01/06/2026
ππ€πππ πππ‘πππ‘πππππ ππ¦πππ€ π€π ππ₯πππ πππππ₯!
π΅π
Nakiisa tayo sa ating regular na Flag Raising Ceremony kasama si Mayor Ruffy Biazon, mga kapwa halal ng bayan, at mga masisipag na kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa.
Bawat pagtataas ng ating watawat ay paalala ng ating sinumpaang tungkulin na maglingkod nang may katapatan, malasakit, at integridad para sa kapakanan ng bawat MuntinlupeΓ±o.
Hindi man ito kasing ingay ng mga programa at proyekto, dito nagsisimula ang isang linggong puno ng serbisyo publikoβmaaga, maayos, at nakatuon sa pangangailangan ng mamamayan.
Sa ngalan ng inyong lingkod, maraming salamat sa patuloy na tiwala at suporta. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagkilos para sa mas maunlad at mas magandang Muntinlupa.
Trabaho muna, serbisyo lagi at stay PRETTY . Happy Monday, MuntinlupeΓ±os!
β Konsehal Sha-Sha Baes
25/05/2026
Magandang Umaga, Muntinlupa! π΅π
Isang mapagpalang araw po sa ating lahat. Nais ko pong batiin at pasalamatan ang ating masisipag na kawani ng City Government of Muntinlupa na araw-araw na nagsisilbi nang may dedikasyon at malasakit para sa ating mga kababayan.
Kasama po natin sa patuloy na pagsusulong ng maayos, malinis, at progresibong lungsod ang pamumuno ni Mayor Ruffy Biazon na walang sawang nagdadala ng mga programang makakatulong sa bawat MuntinlupeΓ±o.
Patuloy po tayong magkaisa, magtulungan, at maging inspirasyon sa isaβt isa para sa mas maunlad at mas masayang Muntinlupa.
Mag-ingat po tayong lahat at magkaroon ng produktibong araw!
β Konsehala Sha-sha Baes
25/05/2026
Good Morning Beautiful People π
20/05/2026
π π¨π‘π§ππππ‘ ππ π₯ππππ¦π§π₯ππ§ππ’π‘ π¦π πππ₯ππ‘πππ¬ ππ¬πππ ππππππ‘π
Patuloy pong inilalapit ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Ruffy Biazon at ng City Government of Muntinlupa ang mga serbisyong makakatulong sa bawat MuntinlupeΓ±o sa pamamagitan ng π π¨π‘π§ππππ‘ ππ.
Ang MUNTIZEN ay opisyal na ID ng mga residente ng Muntinlupa na magbibigay ng mas mabilis at mas madaling access sa mga programa, scholarship, social services, medical at financial assistance, discounts, at iba pang benepisyo mula sa lokal na pamahalaan.
Taos-puso pong pasasalamat sa masisipag nating kawani at volunteers ng π π¨π‘π§ππππ‘ πππ₯ππ©ππ‘ π§πππ na walang sawang nag-aasikaso at tumutulong sa registration ng ating mga kababayan.
Inaanyayahan po namin ang lahat ng residente na magparehistro at samantalahin ang mga benepisyong hatid ng MUNTIZEN ID para sa bawat mamamayan ng Muntinlupa
π π©ππ‘π¨π: BAA Amphitheater / Pagoda Tent
(Beside Barangay Hall, Madrigal Avenue)
ποΈ π¦πππππ¨ππ:
β’ May 19β23, 2026 (Tuesday to Saturday)
β’ May 26β30, 2026 (Tuesday to Saturday)
β° 8:00 AM β 3:00 PM
Available na rin po ang mga forms sa Barangay Ayala Alabang Office, Monday to Friday, 8:00 AM to 5:00 PM.
18/05/2026
π
πππ πππππππ ππππππππ || ππππ ππππππππππ ππ
ππππππππππ
Muli tayong nagsama-sama sa ating Flag Raising Ceremony bilang pagsisimula ng panibagong linggo ng tapat at masigasig na paglilingkod para sa bawat MuntinlupeΓ±o.
Patuloy po nating isusulong ang mga programang makakatulong sa ating mga kababayan at magbibigay ng positibong pagbabago sa ating lungsod. Sa bawat araw, dala natin ang malasakit, pagkakaisa, at dedikasyon sa serbisyo publiko.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at tiwala. π
08/05/2026
May 8, 2026
PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT (Para po sa ating mga kababayan na nabiktima ng sunog kamakailan sa Purok 2, Sucat)
Kaninang umaga po ay nagdala tayo ng konting tulong para sa inyo. Madami pa po unclaimed na bigas.
FYI lang po, pinaubaya na po namin yung unclaimed na bigas sa Barangay po para sila na po ang magabot sa inyo. Pwede niyo po claim dun sa Barangay natin, pakidala lang po yung inyong incident card galing sa SSD po.
Thank you again sa nga nagassist sa amin kanina, special mention kay Kagawad Jeramel Mendoza and Barangay Ayala Alabang.
God bless po sa inyong lahat. β€οΈ
04/05/2026
πππππππ π
πππ πππππππ ππππππππ || πππππππππ πππ-πππ ππππ
Sa bawat pagtindig sa watawat, pinatitibay ang ating paninindigan sa tapat na serbisyo at malasakit sa bayan. π΅π
Isinagawa ang Flag Raising Ceremony ng Lungsod ng Muntinlupa bilang simbolo ng pagkakaisa, disiplina, at dedikasyon ng bawat lingkod-bayan para sa patuloy na pag-unlad ng ating lungsod.
28/04/2026
ππππππ πππππ πππππππππππ || ππππ ππππππππππ ππ
ππππππππππ πππππππππππππ
Ipinapaabot ko po ang aking ulat kaugnay ng isinagawang Public Hearing kamakailan, kung saan ating tinalakay ang isang mahalagang inisyatiba mula sa Boysen Paints Philippines na naglalayong makatulong sa pagsasaayos at pagpapaganda ng ating lungsod.
Ang naturang programa ay nakatuon sa pagpapabuti ng mga pampublikong lugar sa pamamagitan ng maayos na pagpipintura, rehabilitasyon ng mga pasilidad, at pagbibigay ng mas kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga kababayan. Malaki po ang potensyal nito upang hindi lamang mapaganda ang ating lungsod, kundi mapalakas din ang disiplina, pride, at pakikiisa ng komunidad.
Kaugnay nito, agad po natin itong iniulat at inilahad sa ating mga kasamahan sa Sangguniang Panlungsod upang mabigyan ng kaukulang aksyon at maisakatuparan sa lalong madaling panahon. Patuloy po nating pinagtutulungan ang mga hakbang upang masigurong magiging maayos, sistematiko, at kapaki-pakinabang ang implementasyon ng programang ito.
Bilang inyong lingkod, nananatili po ang aking paninindigan na suportahan ang mga programang tunay na makakatulong sa pag-unlad, kaayusan, at kagandahan ng ating Muntinlupa.
Maraming salamat po.