Liberal Youth - Naic

Liberal Youth - Naic

Share

Boses ng Batang Naic. Diwa ng Batang Liberal.

📣 Maging bahagi ng LY Naic! https://bit.ly/LYNAIC

25/06/2026

Bumisita po tayo sa Tacloban City noong Miyerkules para magpaabot ng personal na pakikiramay sa mga magulang ng mga napaslang na bata at para bisitahin ang ilan sa mga nasaktang bata sa mga ospital.

Doon po tayo nakatanggap ng tip ukol sa banta ng panibagong karahasan sa ibang paaralan sa Leyte.

Agad naming binahagi ang impormasyon kay DILG Secretary Jonvic Remulla at agarang din niyang inimbestigahan at inaksyunan.

Nagpapasalamat kami kay Sec. Jonvic at sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa mabilis nilang pagkilos para mapigil ang nasabing banta.

Sa aming pagbisita sa mga nasaktang estudyante, kanilang mga magulang at mga magulang ng mga nasawing kabataan, dalawa ang kanilang hinaing: una, ang hustisya para sa mga biktima, at pangalawa, na hindi na maulit ang ganitong klaseng karahasan sa ating mga paaralan.

Asahan niyo po ang aming pagsulong ng School Safety Act para masiguro ang kaligtasan ng ating mga kabataan.

Sumusuporta rin po tayo sa pag-review at pag-amend ng Juvenile Justice Law pati na rin ang pagbawal sa social media sa mga mas bata sa 15 years of age.

Ilan lang po ito sa mga repormang kinakailangan. Committed po ang inyong Committee on Basic Education na aksyunan ang mga panukalang kinakailangan para sa kaligtasan ng ating mga kabataan at ng ating mga paaralan.

Want your business to be the top-listed Government Service in Naic?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Naic