24/05/2026
๐๐ผ๐ ๐๐๐ ๐ผ ๐พ๐ผ๐๐๐ | สแดแดแดแด
Balikan natin sa pamamagitan ng mga larawang ito ang ating makabuluhang proyekto. Buong-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at bumili ng ticket para matulungan ang ating mga kabarangay na nasunugan sa Lower Barangay. At siyempre, sa lahat ng mga solidong performers na naging tulay para maisagawa ito.
Ang lahat po ng nalikom na tulong ay naipamahagi na sa kanila. Salamat po sa inyong patuloy na suporta!
๐ฉ๐๐๐๐๐, ๐ณ๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐!
12/05/2026
RAP FOR A CAUSE ๐ค๐ฅ
Isang gabi ng solid na musika, tunay na suporta, at pagsasama-sama ng mga local artists para sa isang magandang dahilan. Handa na ba kayo para sa matinding performances, malalakas na bars, at unforgettable na gabi kasama ang ilan sa mga kilalang pangalan sa local rap scene? ๐ฏ
๐ SAV5 Covered Court
๐
May 17
๐ 7PM
๐ Advance Ticket: 100 PHP
๐ Walk-in Ticket: 150 PHP
Kasama sina:
LOUIE GRAMMZ โข XODAH โข MIGZIDUPS โข 4OURLIFE โข LEVEN HUNNIDS โข LIL RON โข KENTT'S โข NWS โข PARAGON โข LOKAL KLAN at marami pang iba! ๐ฅ
Tara at suportahan natin ang local hiphop community habang nakikiisa para sa isang makabuluhang cause. Kita kits! ๐ค๐ถ
๐ซ STAY TUNED PARA SA OFFICIAL TIKET SELLING ANNOUNEMENT.
Para sa gustong bumili ng advance tickets, maaaring kumontak sa 4ourlife, Team YES, Johnmiguel Lobrio, Yesha Guzman
07/05/2026
๐ฝ๐๐ผ ๐ ๐ฟ๐๐ ๐ฝ๐๐๐พ๐ ๐๐งก๐ค
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng tumulong at nag-volunteer para sa donation drive para sa pagbangon ng Lower Barangay.
Espesyal na pasasalamat sa mga sumusunod:
โข SK Chairman Hope Vasquez at ang Don Bosco Youth Volunteers
โข Pangulo at miyembro ng BSAFY at ibaโt ibang youth organization members.
โข At sa lahat po ng nakasama namin at sa lahat ng nag-abot ng donasyon, maraming-maraming salamat po sa inyong malasakit!
06/05/2026
๐ด๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ณ๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐งก
Sa isang iglap, maraming pamilya ang nawalan ng tahanan at ari-arian. Sa gitna ng abo at usok, tayo po ang magsisilbing liwanag at pag-asa para sa ating mga kabarangay.
Munting tulong man sa inyong paningin, ito ay malaking ginhawa para sa mga nagsisimulang muli. Ang inyong malasakit ang magsisilbing lakas nila upang bumangon.
๐ Drop-off Points:
โข 828A J. Allanigue St., Brgy. Village, San Antonio, Paraรฑaque
โข White House, Barangay Village, Paraรฑaque
๐ Contact: Yesha Guzman (0908 542 6720) / Team YES Page
Anumang donasyon gaya ng pagkain, tubig, at gamit sa katawan ay taos-puso naming tatanggapin. Maraming salamat sa inyong gintong puso! ๐โจ
06/05/2026
Bumbero po, Lower Barangay!
05/05/2026
๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐ผะ๐! ๐๐งก
Pagbati sa lahat ng mga nanalong aktibo at masisipag na Manggagawang Kabataan ng Barangay San Antonio.
Dalangin namin parati ang inyong magandang kalusugan sa lahat ng aspeto. Mabuhay kayong lahat!
Paalala: Mangyaring i-MESSAGE ang page na ito para sa iba pang mga detalye.
Ito ang proyektong nagbibigay pugay sa ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐๐ na Kabataang Manggagawa ng Barangay San Antonio. Kasama ang buong Team YES:
Sa pamumuno ni: SK Chairperson Yesha Guzman
๐๐ ๐๐๐๐จ Sasha Bustamante
๐๐ ๐๐๐๐จ Miel Cruz
๐๐ ๐๐๐๐จ Josiah B. Eucariza
๐๐ ๐๐๐๐จ Ky Fabi
๐๐ ๐๐๐๐จ Ezra Marc L. Mapile
๐๐ ๐๐๐๐จ Asia De Asis Soriano
๐๐ ๐๐๐๐จ Sam Angelo Vicente
03/05/2026
๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฒ๐๐ ๐๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ซ๐๐ ๐๐ฅ๐จ ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐ฅ๐๐ฅ๐๐๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ญ๐๐จ
๐ ๐ฐ๐ถ๐ต๐ฉ. ๐๐น๐ค๐ฆ๐ญ๐ญ๐ฆ๐ฏ๐ค๐ฆ. ๐๐ฆ๐ณ๐ท๐ช๐ค๐ฆ
Pinagpupugayan ng mga kabataan ang mga manunulat na tumitindig sa agham, katotohanan, at bayan. Gamit ang pluma at papel, ibinabahagi nila ang ginhawaโt pagbabago sa buhay ng isang tao, higit lalo pa ang masalimuot na karanasang umiiral sa lipunan upang mamulat ang mamamayan. Ngunit sa kabila nito, nakagapos pa rin sa tanikala ang kakayahan ng mga manunulat na isiwalat ang pilit na ikinukubling kuwento.
Ang paglimita sa kapangyarihan ng mamamahayag sa Pilipinas ay nakaugat sa kolonyalismong dulot ng Espanya noong taong 1565-1898. Ito ang panahon na hindi pinahihintulutan ang naglalathala ng kasulatang nagbibigay komentaryo at hamon sa politika, relihiyon at gobyerno. Hanggang ngayon, danas pa rin ng mga mandirigma ng katotohanan ang balakid sa pagbabahagi ng tunay na kuwento. Kaya naman, mahalagang ang mga kabataan ay magsilbing tulay upang ipalaganap at ipanalo ang lipunang may karapatan at kalayaan.
Hamon ito sa bawat isa na manindigan, lumaban, at hanapin ang kahalagahan ng balitaan tungo sa tunay na kalayaan. Mahalagang ang masa ay maging parte ng pagsulat dahil hindi lamang ito pagbabalita kung hindi pagbuo ng kasaysayan. Ang sambayanang Pilipinong may kasarinlan ay mamamayang nananahan sa katotohanan.