Warren Inocencio

Warren Inocencio

Share

In service to the people of Pasig 🇵🇭
• Updates • Reports • Announcements •

Giting ng Pasig. Maraming salamat sa tiwala.

District 2 Pasig City Councilor
Owner & President of Inocencio School Pasig and Inocencio School Cebu
Owner & President of Inocencio Learn, Talk, Speak Inc (Online English School for Foreign Students)
Exporter of products from the Philippines (Shells)
Former Head Servant, Board of Servant Leaders, Hearts of Jesus and Mary Prayer Community
Founder of Our Lady of the Rosary Prayer Group

19/06/2026

June 18, 2026 | Blue Ribbon Committee

Bilang miyembro ng Blue Ribbon Committee sa pangunguna ni Chairperson Konsi Angelu De Leon, masusing sinusuri namin ang bawat usapin upang matiyak ang katotohanan, katarungan, at mabuting pamamahala.

Bahagi ng aming tungkulin ang pakinggan ang magkabilang panig at maghanap ng makatarungang solusyon para sa kapakanan ng nakararami. Habang wala pang napapatunayan, mananatiling kumpidensyal ang mga detalye ng pagdinig upang mapangalagaan ang due process at maiwasan ang maling paghusga.

Patuloy kaming naninindigan para sa tama at nagsusulong ng maayos at makatarungang pamamahala. 🙏🏼



Photos from Warren Inocencio's post 18/06/2026

June 17, 2026 | Committee Hearing on Education

Sa pangunguna ni Committee on Education chairperson councilor Simon Tantoco, tinalakay ang dalawang panukalang resolusyon na naglalayong palakasin ang pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa mga institusyong pang-akademiko.

Kabilang dito ang panukalang scholarship program at research collaboration sa mga unibersidad upang suportahan mga inisyatibang naglalayong mapaunlad ang kakayahan ng mga kawani ng lungsod at makabuo ng mga programang nakabatay sa pananaliksik para sa mas mahusay na serbisyo publiko. 📚🔎



16/06/2026

Si Mayor Vico Sotto na hindi nagsasawa sa kadaldalan ko, ang taong NAPAKA sipag, may totoong prinsipyo, ang tunay na leading by example, our inspiration to do better— Happy happy birthday 🎈 We will always pray for your protection & guidance 🙏🏼

Photos from Warren Inocencio's post 15/06/2026

June 15, 2026 | 📍NEW PASIG CITY HALL CONSTRUCTION SITE Topping off & inspection

Nakakabilib makita ang mabilis at de-kalidad na progreso ng bagong Pasig City Hall. Sa bawat pag usad mas nakikita natin ang bunga ng maayos at responsableng pamamahala na handang sumabay sa pagbabago at tumugon sa pangangailangan ng mamamayan. Ang bawat palapag na naitatayo ay simbolo ng ating sama-samang hangarin para sa isang mas maayos, mas organisado, at mas makabagong Pasig.

Masarap isipin na balang araw, ang gusaling ito ay magiging saksi sa libo-libong kwento ng serbisyong pampubliko at pagtulong sa ating mga kapwa Pasigueño.

Sa pangunguna ni Mayor Vico Sotto, ang proyektong ito ay nagsisilbing simbolo ng epekto ng good governance. transparent, mahusay, at nakatuon sa pangmatagalang kapakanan ng bawat Pasigueño.

Isa na namang hakbang tungo sa mas maunlad at mas mahusay na Pasig. 🙏🏼


15/06/2026
Photos from Warren Inocencio's post 15/06/2026

June 15, 2026 | Monday flag raising ceremony followed by the blessing of Pasig city engineering department vehicles. Good morning to all! 🙏🏼


Photos from Warren Inocencio's post 15/06/2026

June 12, 2026 | DOLE NCR 128th Philippine Independence Day - Trabaho Agad Job Fair @ SM East Ortigas Pasig city


Photos from Warren Inocencio's post 15/06/2026

June 12, 2026 | Summer Art Workshop Recital

📍Pasig Creative Arts Academy


Photos from Warren Inocencio's post 12/06/2026

Daldalan moments with mayor Vico hehe
✅DOLE NCR 128th Philippine Independence Day - Trabaho Agad Job Fair @ SM East Ortigas Pasig city June 12, 2026

Photos from Warren Inocencio's post 12/06/2026

🇵🇭 Maligayang Araw ng Kalayaan!

Ngayong Hunyo 12, ating ginugunita ang tapang at sakripisyo ng mga bayaning nagbigay daan sa ating kalayaan. Patuloy nating pahalagahan ang kanilang pamana sa pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa bayan.

Mabuhay ang Pilipinas.



Want your business to be the top-listed Government Service in Pasig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Pasig
1609