Municipality of Pilar

Municipality of Pilar

Share

Pilar is a 2nd class Municipality in the Province of Bataan which consists of 19 Barangays.

03/06/2026

๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—™๐—ฌ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—Ÿ๐—–๐—”๐—ง-๐—ฉ๐—”๐—ช๐—– ๐—™๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐˜† ๐—”๐˜€๐˜€๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜, ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ฟ.

Muling nakamit ng Bayan ng Pilar ang pinakamataas na marka sa FY 2026 Functionality Assessment ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) na isinagawa ng Provincial Inter-Agency Monitoring Team (PIMT) noong Mayo 19, 2026.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Pilar sa pangunguna ni Mayor Charlie Pizarro, katuwang ang mga miyembro ng LCAT-VAWC at ibaโ€™t ibang ahensya, sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatibong nagtataguyod ng karapatan, proteksyon, at kapakanan ng kababaihan at mga bata.

Patunay ito ng patuloy na dedikasyon ng Bayan ng Pilar sa pagsusulong ng isang ligtas, maayos, at mapagkalingang komunidad para sa lahat.

02/06/2026

๐ˆ๐ฌ๐š ๐ง๐š ๐ง๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐š๐ซ!

Muling pinatunayan ng Bayan ng Pilar ang matatag nitong pangako sa pagtataguyod at pangangalaga sa karapatan ng mga bata matapos makamit ang 100% score o IDEAL Functionality Rating sa isinagawang assessment ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) noong Abril 16, 2026.

Ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Pilar sa pangunguna ni Mayor Charlie Pizarro, katuwang ang mga miyembro ng LCPC, Child Representative, at iba pang stakeholders sa patuloy na pagpapatupad ng mga programa at inisyatibong nagtataguyod sa kapakanan, proteksyon, at pag-unlad ng bawat batang Pilarian.

Patuloy ang Bayan ng Pilar sa pagsusulong ng isang ligtas, mapagkalinga, at child-friendly na komunidad para sa lahat ng kabataan.

02/06/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ฎ๐ ๐จ๐ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ค๐š๐ฒ ๐‰๐ž๐ฌ๐ฌ ๐’๐ฒ๐ซ๐š๐ก ๐ƒ๐ž ๐‰๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฌ ๐ง๐  ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐จ๐›๐ฅ๐š๐œ๐ข๐จ๐ง, ๐๐ข๐ฅ๐š๐ซ, ๐๐š๐ญ๐š๐š๐ง!

Isang karangalan para sa Bayan ng Pilar na makitang kinatawan ni Jess Syrah ang ating bayan sa Palarong Pambansa, kung saan ipinamalas niya ang husay, disiplina, at dedikasyon sa larangan ng Rhythmic Gymnastics.

๐Œ๐ ๐š ๐๐š๐ญ๐š๐ฆ๐จ๐ง๐  ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง:
๐Ÿฅ‡ Gold Medal โ€“ Team Event
๐Ÿ… 7th Place โ€“ Freehand
๐Ÿ… 10th Place โ€“ Individual All Around

Ang iyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at walang sawang pagsasanay. Nawaโ€™y magsilbi kang inspirasyon sa kapwa kabataang Pilarians na patuloy na mangarap, magsikap, at magbigay ng karangalan sa ating bayan.

Ipinagmamalaki ka ng buong Bayan ng Pilar! Patuloy kang magningning at magtagumpay sa iyong mga susunod pang laban.

Congratulations, Jess Syrah De Jesus! Proud Pilarian!

Photos from Municipality of Pilar's post 02/06/2026

๐—•๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฑ ๐—•๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ถ ๐—ฆ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—น๐˜€ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฐ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ฑ ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ (๐Ÿฐ๐—ฃ๐˜€) ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€

Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Pilar sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Charlie Pizarro, katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) Bataan sa pamamagitan ng Negosyo Center Pilar, Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Pilar, at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)-Pilar, isinagawa ang Beaded Bonsai Skills Training para sa 40 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Parent Leaders noong Mayo 28, 2026 sa MDRRMO Evacuation Center, Pilar, Bataan.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga kalahok ng karagdagang kaalaman at kasanayan sa paggawa ng beaded bonsai bilang alternatibong mapagkakakitaan. Pinangunahan ni JO3 Lexalene L. Almario ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagsasanay at ibinahagi ang mga pangunahing teknik sa paglikha ng beaded bonsai.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, patuloy na isinusulong sa Bayan ng Pilar ang pagpapaunlad ng kakayahan at kabuhayan ng mga benepisyaryo ng 4Ps tungo sa mas matatag at mas maunlad na pamumuhay.

01/06/2026

Malugod na pagbati kay Rev. Joshwin Ramirez Isidro, OSJ mula sa Barangay Diwa sa kanyang Deaconate Ordination.

Isang mahalagang yugto ito sa kanyang bokasyon bilang lingkod ng Diyos at ng Simbahan. Nawaโ€™y patuloy siyang pagkalooban ng Panginoon ng karunungan, lakas, at biyaya upang magampanan nang buong katapatan ang kanyang tungkulin sa paglilingkod sa sambayanan ng Diyos.

Kaisa ang buong Bayan ng Pilar sa panalangin at pasasalamat para sa biyayang ito. Nawaโ€™y maging mabunga at makabuluhan ang kanyang patuloy na paglalakbay sa landas ng pananampalataya at paglilingkod.

Nawaโ€™y patuloy kang maging instrumento ng pagmamahal, kapayapaan, at biyaya ng Diyos sa Kanyang sambayanan. Congratulations, Rev. Joshwin Ramirez Isidro, OSJ!

Photos from Municipality of Pilar's post 27/05/2026

๐Ÿฑ๐˜๐—ต ๐—Ÿ๐—ผ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—•๐—ผ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด, ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ป.

Isinagawa noong ika-26 ng Mayo ang 5th Local Health Board Meeting ng Pilar Rural Health Unit bilang bahagi ng pagpapaigting at pagpapalawak ng mga programang pangkalusugan para sa mamamayan ng bayan ng Pilar.

Tinalakay sa pagpupulong ang mahahalagang usapin kaugnay ng pagpapabuti ng serbisyong medikal, mga programang pangkalusugan sa komunidad, at mga hakbang upang mas mapalawak ang access ng bawat mamamayan sa dekalidad at maagap na serbisyong pangkalusugan.

Pinagtibay rin ng Local Health Board ang pagkakaisa at pagtutulungan upang maisulong ang mas ligtas, mas malusog, at mas maunlad na pamayanan para sa bawat Pilarian.

Photos from Municipality of Pilar's post 27/05/2026

๐—™๐—ฎ๐—ฟ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—™๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ณ๐—ผ๐—น๐—ธ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ผ, ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ฟ, ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป | ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฑโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Matagumpay na isinagawa ang Farmers and Fisherfolk Congress 2026 na may temang โ€œEmpowering Farmers and Fisherfolk Towards Sustainable and Progressive Agriculture and Fisheries.โ€ Layunin ng programa na mapalakas ang sektor ng agrikultura at pangingisda sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman, teknolohiya, at mga programang makatutulong sa mga magsasaka at mangingisda.

Kabilang sa mga naging aktibidad ang FFEDIS Orientation, Training on Smoked Fish Processing, Sensory Evaluation of New Rice Varieties (600 Series), Trade Fair ng mga samahan ng magsasaka at mangingisda, Gawad Pagkilala, distribusyon ng High-Value Crop Interventions, at Fellowship Lunch Boodle Fight.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng katuwang na ahensya, resource speakers, samahan ng mga magsasaka at mangingisda, at sa lahat ng nakiisa sa matagumpay na programa. Patuloy nating palakasin ang pagkakaisa tungo sa mas maunlad na sektor ng agrikultura at pangisdaan sa Bayan ng Pilar.

27/05/2026

๐„๐ข๐ ๐š๐ฅ-๐€๐๐ก๐š

Maligayang pagdiriwang ng Eid al-Adha o Kapistahan ng Pag-aalay sa ating mga kapatid na Muslim! ๐ŸŒ™โœจ

Nawaโ€™y maging makabuluhan ang araw na ito na puno ng pananampalataya, sakripisyo, pagmamahalan, at pagbabahaginan. Patuloy na magkaisa tungo sa mapayapa at maunlad na komunidad para sa lahat.

Mula sa inyong Lokal na Pamahalaan, maligayang Eid al-Adha! ๐Ÿค

26/05/2026

๐Ÿ“ข๐Ÿ  HOUSING CARAVAN IS COMING TO YOUR BARANGAY! ๐Ÿ ๐Ÿ“ข

Looking for an affordable home for your family?
The Pilar 4PH Project Phase 1 is bringing the Housing Caravan closer to you! Visit us at your respective barangay halls from May 28 โ€“ June 10, 2026 and learn more about our government-backed housing program. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

โœจ Affordable monthly payment
โœจ Pag-IBIG Accredited
โœจ In partnership with DHSUD
โœจ Perfect for hardworking Filipino families

๐Ÿ“ Location: Balut Drive, Balut II, Pilar, Bataan

Bring your questions and requirements โ€” our team is ready to assist you! ๐Ÿ’™โค๏ธ

๐Ÿ“ž For inquiries:
Renzel Joy Calayag
0968-223-5244

Want your business to be the top-listed Government Service in Pilar?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Pilar

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm