18/05/2026
Congratulations to our very own! ๐
Taos-pusong pagbati sa aming Sorority National President na si Xien Baza!
Kami ay lubos na humahanga sa inyong matagumpay na mga proyekto, walang sawang paglilingkod, at sa sunod-sunod na parangal na inyong natatanggap. Ang inyong dedikasyon, malasakit, at tunay na pamumuno ay patuloy na nagbibigay inspirasyon hindi lamang sa ating kapatiran, kundi pati na rin sa komunidad na inyong pinaglilingkuran.
Maraming salamat po sa pagiging huwarang lider at sa patuloy na pagdala ng karangalan sa ating sorority and brotherhood. Tunay na karapat-dapat ang lahat ng inyong tagumpay at pagkilala.
Padayon po sa paglilingkod, Madam National President!
26/03/2026
BulaklaQC & Disciplined Student Family Youth Org.
"YOUTH DIVERSION PROGRAM"
โEverything is FREEโno registration or program fees required! ๐ฅฐ
26/03/2026
๐๐๐๐๐ฌ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ ๐๐๐๐
"Lumapit kayo sa akin, kayong nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayoโy bibigyan ko ng kapahingahan." โ ๐๐๐ญ๐๐จ ๐๐:๐๐
Taunang Pabasa ng Pasiong Mahal ngayong darating na ika-30 ng Marso. Samahan niyo kaming sariwain at pagnilayan ang paghihirap at pagtubos ng ating Poong Jesus Nazareno para sa ating mga kasalanan.
Petsa: Ika-30 ng Marso, 2026
Oras ng Pagbubukas: 6:00 PM
Magsilbi sana itong pagkakataon upang makahanap tayo ng kapayapaan at lakas sa gitna ng ating mga pasanin.
25/03/2026
Pagkakaisa sa gitna ng pananampalataya. ๐
Inaanyayahan po namin ang lahat ng lalahok sa Alay Lakad 2026 na dumaan at mag-recharge sa aming station sa ๐ฅ๐ฃ ๐๐๐น๐ผ๐ฑ, ๐ก๐ผ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฐ๐ต๐ฒ๐. Handog ng ๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ฐ ๐๐ถ๐๐ฒ, ๐ฅ๐ฒ๐ฎ๐น๐ฒ๐๐ ๐ฃ๐ถ๐ฟ๐, ๐ฎ๐ ๐๐๐น๐ฎ๐ธ๐น๐ฎ๐ค๐ ang libreng pagkain, inumin, at blood pressure check para sa inyong kaligtasan at kalusugan.
April 2, 2026 (Huwebes Santo)
Kitakits po tayo at ingat sa paglalakad!
25/03/2026
Sa bawat pagdaan natin sa kalsada, may mga matang nakatinginโnaghihintay ng kaunting tira, nagbabakasakali sa gitna ng matinding gutom at uhaw. Sila ang ating mga "stray friends" na walang boses para dumaing, walang sariling hapag-kainan na uuwian, at madalas ay tanging semento ang nagsisilbing higaan. ๐
Ang kalsada ay malupit, ngunit maaari tayong maging kalinga sa gitna ng kanilang paghihirap. Bilang isang pamilya at komunidad, tayo po ay nagsasagawa ng ๐๐ผ๐ป๐๐ถ๐ป๐๐ผ๐๐ ๐ฆ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ since 2018 upang maibsan ang kanilang gutom at maiparamdam na hindi sila nakakalimutan.
Ang inyong munting donasyon ay katumbas ng dugtong-buhay para sa kanila.
MGA KINAKAILANGANG DONASYON:
โข Kibbles (Dog/Cat Food), Canned Food
โข Vitamin Syrup, Gamot (Antibiotics/Wound spray)
DROP-OFF POINT:
BulaklaQC HQ
Nenita cor. Eleuteria St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City
Ang bawat pakete ng pagkain ay langit na para sa kanila. ๐ฑ๐ถ