20/06/2026
Green Transport Division - DPOS
Official page of Quezon City Department of Public Order and Safety- Green Transport Division
With the overwhelming number of public and private transport vehicles crossing the streets of Quezon City, carbon emissions continue to increase without any signs of slowing down. With the rapid increase of greenhouse gases, the primary factor of climate change, the health and well-being of the general public is put at great risk. As such, the Green Transport Office (GTO) was created through Ordin
20/06/2026
20/06/2026
🚴♀️🌱 BIKE.HIKE.PLANT 2026 🌱🚶♂️🚴♂️
Nakiisa ang Department of Public Order and Safety sa Bike. Hike. Plant 2026 na pinangunahan ng DENR-NCR bilang bahagi ng pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagsulong ng active transport.
Mula Quezon City Hall hanggang La Mesa Watershed, nagtipon ang mahigit 200 kalahok mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, bike groups, at environmental advocates upang pagsamahin ang pagbibisikleta, paglalakad, at pagtatanim ng puno bilang konkretong hakbang para sa mas malinis na hangin at mas luntiang kinabukasan.
Nagbigay ng suporta sina Regional Executive Director Nilo B. Tamoria, CESO III ng DENR-NCR, habang naghatid naman ng mensahe ng suporta si Ms. Kristine Leo S. Gaon, Chief Environmental Management Specialist ng QC-CCESD. Nagkaroon din ng orientation sa wastong pagtatanim ng mga punla na pinangunahan ni Joshua Vasquez ng DENR-NCR, kasunod ang ceremonial turnover of seedlings para sa mga bike groups. Samantala, nagbigay ng safety instructions para sa mga siklista si Mr. Francis Mendoza mula BUM/Cycle Brothers at route briefing si Jay Maynard Uayan ng DPOS upang matiyak ang maayos at ligtas na paglalakbay ng mga kalahok.
Nakiisa rin ang mga kalahok mula sa TTMD, QCPD, QC-CCESD, at Task Force Disiplina bilang suporta sa nasabing gawain.
Magbisikleta.
Magtanim.
Makialam.
Sama-sama nating pangalagaan ang kalikasan para sa susunod na henerasyon. 🌳💚
18/06/2026
Bike Bus is the most viable solution to the transport crisis and climate change - VERA Files Bike commuting is a big step toward weaning the Philippines from dependency on fossil fuels. It’s the bestoption for the underprivileged. It increases road safety, and it’s good for the environment and humanity.
17/06/2026
JUNE QC BIKE KAPIHAN 🚲
Muling nagtipon-tipon ang mga miyembro ng QC Bike Kapihan Group sa pangunguna ng Department of Public Order and Safety (DPOS) upang talakayin ang mga napapanahong isyu patungkol sa mga usapin ng active mobility.
Sa pagpupulong, tinalakay ang mga hakbang na isinasagawa upang mapalakas ang seguridad ng mga bisikleta sa loob ng Quezon City Hall, ang kasalukuyang kalagayan ng mga bike parking facilities sa lungsod, at ang mga naging resulta at mahahalagang aral mula sa Workers Bike Bus Program sa pangunguna ng 350 Pilipinas. Nagkaroon din ng talakayan ukol sa mga preparasyon para sa 2026 “Bilang Siklista” Bike Counting Activity bilang bahagi ng patuloy na pangangalap ng datos upang suportahan ang mga programang pangbisikleta at active mobility sa lungsod.
11/06/2026
🚴♀️💚 BIKE BUS PILIPINAS!
Patuloy na isinusulong ng lungsod ang mas ligtas, mas inklusibo, at mas sustainable na paraan ng pagbiyahe sa lungsod.
Kasama ang 350 Pilipinas, MMDA, at mga bike-to-work commuters, nakiisa ang Quezon City sa Workers’ Bike Bus, isang inisyatibong nagpapakita na posible at praktikal ang pagbibisikleta bilang pang-araw-araw na transportasyon.
Hindi lamang ito tungkol sa pagpedal papasok sa trabaho; ito ay panawagan para sa mas maraming ligtas na bike lane, mas maayos na end-of-trip facilities, at mga kalsadang para sa lahat.
Sama-sama nating itaguyod ang aktibong transportasyon para sa mas malusog na mamamayan at mas luntiang Quezon City.
10/06/2026
Patuloy ang Department of Public Order and Safety (DPOS) sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga siklista sa lungsod sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga plant boxes at bollards, pagputol ng mga sanga na nakaharang sa bike lanes, at paglilinis ng mga nakakalat na buhangin sa daan.
Para sa mga update at aktibidad ng lungsod kaugnay sa active transport at bike lanes, patuloy lamang na tumutok sa ating page. Maaari rin na magpadala ng mensahe sa 0999-228-7301 o mag-email sa [email protected].
08/06/2026
Bike. Hike. Plant 2026 sa QC! 🚴🥾🌱
Bilang pagdiriwang ng Philippine Forestry Service Anniversary at Arbor Day, inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources – Forest Management Bureau ang ika-10 taon ng Bike Hike Plant Program na may temang “Moving Forest.”
Sa programang ito, magbibisikleta ang mga kalahok mula sa Risen Garden sa Quezon City Hall patungong La Mesa Watershed Reserve, dala ang mga punla at binhi na kanilang itatanim kasama ng mga hikers bilang ambag sa pangangalaga at pagpapalago ng ating kagubatan.
Para sa karagdagang impormasyon at mga updates, bisitahin ang opisyal na social media pages ng DENR-FMB:
FB: https://www.facebook.com/denrfmbofficial
IG:
Bike.Hike.Plant 2026 making green moves in QC! 💚
Bike.Hike.Plant (BHP) is an activity organized by the DENR through the Forest Management Bureau (FMB) to celebrate the Philippine Forestry Service Anniversary and Arbor Day with the concept of a "moving forest”.
Bikers carry seedlings inside drawstring bags and then join hikers in planting these seedlings at the end of the bike trail.
Now in its 10th year, BHP is set to explore Quezon City for another exhilarating bike ride, an adventurous hike, and to cap it all off, a fulfilling tree planting activity! It's giving good for the health and good for the nature! 😌✨
We're excited for another meaningful journey while advocating for an active lifestyle and spreading environmental awareness one stride at a time! 🚴♂️🥾🌱
Stay connected for more BHP 2026 updates and follow us on our official social media platforms:
(FB) /denrfmbofficial
(IG)
08/06/2026
OTW to Work? Sabay na sa Bike Bus!
Makibahagi sa paglulunsad ng Bike Bus Pilipinas ngayong Hunyo 11, 2026, isang inisyatiba ng 350 Pilipinas para sa mas ligtas, mas inklusibo, at mas sustainable na pagbiyahe gamit ang bisikleta.
Mula Quezon City hanggang Pasig, sama-sama nating patunayan na may lakas sa bilang at may kapangyarihan ang bawat padyak tungo sa mas malinis na hangin at mas ligtas na mga kalsada.
Ang aktibidad na ito ay suportado ng Quezon City Department of Public Order and Safety, MMDA, at Happy Pedal Project.
Assembly Area: GTD-DPOS, QC Hall
Assembly Time: 5:30 AM
Date: June 11, 2026 (Thursday)
Tara, mag-bike papasok sa trabaho at maging bahagi ng pagbabago!
05/06/2026
Patuloy na umaarangkada ang pagsusulong ng aktibong transportasyon sa QC!💚🚲
Opisyal nang sinimulan ng 350 Pilipinas katulong ang Quezon City Department of Public Order and Safety ang Bike Bus initiative kung saan sinusuportahan ang mga bike-to-work employees sa lungsod na isulong ang adbokasiyang fossil-free transport.
Ito ay bahagi rin ng pagdiriwang World Bicycle Day ngayong taon.
04/06/2026
350 Pilipinas’ Bike Bus Launch 💚🚲
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Address
Quezon City Hall Gate 3, Kalayaan Avenue, Diliman
Quezon City
1100
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 4:30pm |
| Thursday | 8am - 4:30pm |
| Friday | 8am - 5pm |
