PDAO QC

PDAO QC

Share

PERSONS WITH DISABILITY AFFAIRS OFFICE OF QUEZON CITY - OFFICIAL

Photos from Quezon City Government's post 20/06/2026
19/06/2026

In today’s connected world, staying safe online is more important than ever. The Quezon City Government, in partnership with ATRIEV (Adaptive Technology for Rehabilitation, Integration and Empowerment of the Visually Impaired), Inc., invites you to the Cyber Safety Workshop for Women with Visual Disability.
Learn essential skills to navigate the digital landscape securely, confidently, and independently! πŸ’»βœ¨
πŸ“… Date: June 30 - July 2, 2026
Time: 8:00am to 4:00pm
πŸ“ Venue: Quezon City Hall
🎯 Who can join? Women with visual disabilities who want to level up their cyber safety knowledge.
Don't miss out on this opportunity! Secure your slot today.
Register Here: https://forms.gle/YBAMxtqpZK9WeJCy5

Photos from PDAO QC's post 19/06/2026

𝑷𝑫𝑨𝑢 𝑼𝑷𝑫𝑨𝑻𝑬𝑺 | Isang mahalagang hakbang tungo sa mas inklusibong edukasyon ang isinagawa ng Quezon City Persons with Disability Affairs Office sa pakikipagtulungan ng KGS Corporation sa pamamagitan ng turnover ng mga e-Braille devices para sa mga mag-aaral na may visual impairment ngayong araw!

Pinangunahan ng punong alkalde ng lungsod, Mayor Joy Belmonte, ang pamamahagi ng mga Braille Display Next Touch 40 at Braille Labeler na ipagkakaloob sa piling paaralan sa lungsod upang mapalawak ang akses ng mga mag-aaral sa makabagong teknolohiyang pantulong sa pag-aaral.

Kabilang sa mga benepisyaryong paaralan ang Melencio M. Castelo Elementary School, Rosa L. Susano Elementary School, at San Vicente Elementary School.

Matapos ang turnover ceremony, nagsagawa rin ang KGS Corporation ng e-Braille training upang matiyak ang wastong paggamit ng mga kagamitan at mas mapakinabangan ang mga ito sa loob ng silid-aralan.

Photos from PDAO QC's post 18/06/2026

𝑷𝑫𝑨𝑢 𝑼𝑷𝑫𝑨𝑻𝑬𝑺 | Pinangunahan ng Quezon City Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang pagsasagawa ng Disability Awareness and Sensitivity Training, kabilang ang pagsasanay sa Filipino Sign Language, para sa mga kawani na kabilang sa Disability Inclusive Development Technical Working Group mula sa iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon.

Sa pagsasanay na ito, kanilang natutunan ang wastong pakikitungo, epektibong komunikasyon, at iba’t ibang paraan upang maging mas inklusibo at accessible ang kanilang lugar ng trabaho para sa lahat.

Ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Lungsod Quezon na maisulong ang isang komunidad na namumutawi ang pagkakapantay-pantay para sa lahat.

Photos from PDAO QC's post 18/06/2026

𝑷𝑫𝑨𝑢 𝑼𝑷𝑫𝑨𝑻𝑬𝑺 | Aktibong nakilahok ang mga kawani ng Quezon City Persons with Disability Affairs Office sa isinagawang 2026 Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong ika-18 ng Hunyo sa Quezon City Hall Compound.

Bilang bahagi ng patuloy na paghahanda sa mga posibleng sakuna, isinagawa ito upang mapalakas ang kaalaman at kahandaan ng mga kawani sa wastong pagtugon sa oras ng lindol at iba pang emergency. Layunin din nitong matiyak na ang bawat tanggapan ng pamahalaan, kabilang ang QC PDAO, ay handa at may sapat na kakayahan na magbigay ng agarang tugon sa panahon ng kalamidad.

Sa QC, mahalaga ang kaligtasan ng lahat. Ligtas ang may alam!

Photos from PDAO QC's post 18/06/2026

𝑷𝑫𝑨𝑢 𝑼𝑷𝑫𝑨𝑻𝑬𝑺 | Bilang bahagi ng pagpapatupad ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Program at ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na tiyakin ang kahandaan ng lahat ng QCitizens sa anumang uri ng sakuna, isinagawa ngayong araw ang Lahat Handa: Inclusive Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Training sa QCX, Quezon Memorial Circle.

Tampok sa nasabing pagsasanay ang isangdaang (100) kalalakihang kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon mula sa iba’t ibang departamento, na lumahok sa talakayan hinggil sa inklusibong paghahanda at pagtugon sa mga sakuna.

Bilang bahagi rin ng aktibidad, nakiisa rin ang mga kalahok sa 2nd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill.

Dahil sa isang inklusibong komunidad, ligtas ang may alam!

12/06/2026

𝑯𝑢𝑳𝑰𝑫𝑨𝒀 𝑨𝑫𝑽𝑰𝑺𝑢𝑹𝒀 | Pursuant to Proclamation No. 1006, 12th of June is declared a regular holiday in observance of Philippine Independence Day.

In line with this, the Quezon City Persons with Disability Affairs Office will be closed tomorrow (Friday). All related transactions and services shall likewise be temporarily suspended.

However, our communication lines shall remain open through the following channels:
β€’ FB PAGE: PDAO QC
β€’ EMAIL: [email protected]

Please expect that your inquiries and concerns will be attended to on the next working day or at the earliest possible time once office operations resume.

Let us take this opportunity to commemorate the courage, sacrifice, and patriotism of our national heroes who fought for the freedom and independence of our nation.

Photos from PDAO QC's post 10/06/2026

𝑷𝑫𝑨𝑢 𝑼𝑷𝑫𝑨𝑻𝑬𝑺 | Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na maging handa ang QCitizens, kasama ang mga may kapansanan, sa anumang hindi inaasahang unos, isinagawa ang Lahat Handa: Inclusive Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Training sa Barangay Sauyo.

Tampok sa inisyatibang ito ang 60 katao mula sa Helping Opportunities for People Empowerment (HOPE) Organization. Sila ay nabigyan ng pagkakataong makakalap ng mahahalagang kaalaman ukol sa pagtugon sa sakuna at pagpapalakas ng kahandaan ng komunidad.

Sa pakikipagtulungan ng Joy of Urban Farming at Climate Change and Environmental Sustainability Department, isinagawa rin ang talakayan tungkol sa wastong pagtatanim, paggawa ng organikong pataba, at tamang paraan ng pagkontrol sa mga peste. Tinalakay din ang mga ordinansa sa pangangalaga ng kapaligiran at ang kahalagahan ng wastong paghihiwalay ng basura upang mapanatiling malinis at ligtas ang komunidad.

Dahil sa isang inklusibong komunidad, ligtas ang may alam!

Photos from National Council on Disability Affairs's post 09/06/2026
Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Ground Floor Community Center Building, Quezon City Hall Compound
Quezon City
1110

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm