Presidential Commission for the Urban Poor

Presidential Commission for the Urban Poor

Share

Sandigan ng Maralitang Tagalungsod. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Photos from PCUP Mindanao's post 24/06/2026

๐ˆ๐‚๐˜๐Œ๐ˆ | Kaalaman sa Serbisyong Pangkalusugan, Hatid sa mga UPO sa Davao City

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng karapatan sa serbisyong pangkalusugan, nagsagawa ang PCUP Mindanao, katuwang ang PhilHealth Region XI, ng Advocate and Knowledge Officer (AKO) Training for PhilHealth Programs and Services nitong ika-19 ng Hunyo 2026 sa Brgy. Talomo Proper, Davao City.

Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman ng mga kinatawan ng Urban Poor Organizations (UPOs) hinggil sa mga programa at benepisyo ng PhilHealth upang mas maging epektibo silang tagapagbahagi ng impormasyon at tagapag-ugnay sa kanilang mga komunidad.

Kaagapay ng pagsusulong ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales, ng mga programang naglalapit ng mahahalagang serbisyo sa mga maralitang tagalungsod, sinusuportahan ng gawaing ito ang layunin ng Framework na mapabuti ang access ng mga komunidad sa mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan.



24/06/2026

๐๐‚๐”๐ ๐๐‘๐„๐’๐’ ๐‘๐„๐‹๐„๐€๐’๐„ | ๐ƒ๐‡๐’๐”๐ƒ ๐’๐„๐‚๐‘๐„๐“๐€๐‘๐˜ ๐€๐‹๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐†, ๐Š๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€ ๐๐† ๐๐‚๐”๐ ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐๐ˆ ๐๐† ๐”๐‘๐๐€๐ ๐๐Ž๐Ž๐‘ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

QUEZON CITY โ€” Kinilala ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon โ€œPingโ€ P. Aliling bilang Bayani ng Urban Poor Award 2026 bilang parangal sa kanyang mahalagang ambag sa pagsusulong ng mga programang pabahay at seguridad sa paninirahan para sa sektor ng maralitang tagalungsod.

Igagawad ang nasabing pagkilala bilang bahagi ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng Project at paggunita sa Buwan ng mga Bayani ngayong Agosto.

Ayon sa , kinikilala si Secretary Aliling dahil sa kanyang matatag na pamumuno at makabuluhang kontribusyon sa pagpapalawak ng access ng mga maralitang tagalungsod sa ligtas, disente, at abot-kayang pabahay. Malaki rin ang naging bahagi ng DHSUD sa pagsusulong ng mga layunin ng ALPAS Komunidad Project sa pamamagitan ng whole-of-nation approach na nag-uugnay sa ibaโ€™t ibang ahensya ng pamahalaan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng sektor.

Sa pangunguna ni PCUP Chairperson at CEO Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales, kinilala ng Komisyon ang mahalagang papel ng DHSUD sa pagpapalakas ng Pabahay Pillar ng ALPAS Komunidad. Batay sa PCUP Policy Brief No. 2: ALPAS in Action โ€“ PCUP 2025 Performance and Strategic Directions for 2026โ€“2028, ang Pabahay Pillar ang nagtala ng pinakamataas na antas ng tagumpay sa limang haligi ng ALPAS, na umabot sa 60.63% o katumbas ng 910,440 benepisyaryong pamilya sa buong bansa taong 2025.

Sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Aliling, isinulong ng ang mga programang naglalayong mapabilis ang pagproseso ng Certificates of Eligibility para sa mga Presidential Proclamations, pagpapalakas ng Community Mortgage Program (CMP), at mas pinaigting na pagpapatupad ng Enhanced Community Mortgage Program (ECMP) sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng administrasyon ni Pangulong R. Marcos Jr. Marcos JR

Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 45 ECMP sites na sa ibaโ€™t ibang bahagi ng bansa ang naisakatuparan sa ilalim ng programa, kabilang ang ilang lugar na saklaw ng presidential proclamations.

Ayon sa PCUP, ang pagkilala kay Secretary Aliling ay sumasalamin sa diwa ng ALPAS Komunidad bilang isang whole-of-nation approach tungo sa mas inklusibo, matatag, at maunlad na kinabukasan para sa sektor ng maralita.

Samantala, patuloy ding nakikipagtulungan ang PCUP sa DHSUD, Department of Social Welfare and Development (DSWD), mga Civil Society Organizations (CSOs), at iba pang stakeholders upang maisakatuparan ang paggawad ng mas malalaking presidential proclamation sites tulad ng BASECO at Parola sa Lungsod ng Maynila, Tala Estate sa Camarin, Caloocan City, at iba pang lugar na makatutulong sa layuning mabigyan ng ligtas na paninirahan at mas maayos na kalidad ng buhay ang maralitang tagalungsod.

visit us here: https://pcup.gov.ph/dhsud-secretary-aliling-kinilala-ng-pcup-bilang-bayani-ng-urban-poor-2026/



Photos from PCUP NCR's post 24/06/2026

๐€๐‹๐๐€๐’ ๐๐ˆ๐‹๐‹๐€๐‘ ๐€ โ€“ ๐œ๐œ๐ž๐ฌ๐ฌ | ๐Œ๐ ๐š ๐”๐ซ๐›๐š๐ง ๐๐จ๐จ๐ซ ๐Ž๐ซ๐ ๐š๐ง๐ข๐ฌ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐๐‚๐‘, ๐†๐ข๐ง๐š๐ฐ๐š๐ซ๐š๐ง ๐ง๐  ๐€๐œ๐œ๐ซ๐ž๐๐ข๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐‚๐ž๐ซ๐ญ๐ข๐Ÿ๐ข๐œ๐š๐ญ๐ž๐ฌ

Noong ika-16 ng Hunyo 2026, iginawad ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang Accreditation Certificates sa mga Urban Poor Organizations (UPOs) sa National Capital Region bilang pagkilala sa kanilang pagsunod sa mga pamantayan ng akreditasyon at aktibong pakikilahok sa pagsusulong ng kapakanan ng mga maralitang tagalungsod.

Pinangunahan ni Mr. Mark Kreeger Bonagua, Assistant Chief of Operations ng PCUP NCR, ang programa at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging organisado at responsableng paggamit ng akreditasyon upang higit pang mapalakas ang boses at representasyon ng mga komunidad.

Nagbahagi rin ng mensahe ng pasasalamat ang mga kinatawan ng mga bagong akreditadong organisasyon mula sa Caloocan City at Quezon City, habang pinaalalahanan ni Area Coordinator Lucito Mallari ang mga samahan na panatilihing aktibo ang kanilang akreditasyon sa pamamagitan ng patuloy na pakikilahok sa mga programa ng PCUP.




Photos from Presidential Commission for the Urban Poor's post 24/06/2026

๐ŸŒˆ ๐—ฃ๐—–๐—จ๐—ฃ ๐—–๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ฟ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ: ๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—˜ ๐Ÿงก

Sa temang "๐—–๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐˜๐˜†: ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ฝ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—ถ, ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ผ," nakiisa ang mga kawani ng PCUP mula Central Office hanggang Mindanao, sa pagsusuot ng kulay kahel bilang simbolo ng pagtanggap, paggalang, at pagkilala sa pagkakaiba-iba ng bawat isa.

Sa PCUP, naniniwala ito na ang bawat tao ay may puwang, may boses, at may karapatang maging tunay sa kanilang sarili. ๐Ÿงก

๐™ƒ๐˜ผ๐™‹๐™‹๐™” ๐™‹๐™๐™„๐˜ฟ๐™€! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ


Photos from PCUP Mindanao's post 24/06/2026

๐ˆ๐‚๐˜๐Œ๐ˆ | ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐๐† ๐Š๐€๐Š๐€๐˜๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐€๐‚๐‚๐‘๐„๐ƒ๐ˆ๐“๐„๐ƒ ๐”๐‘๐๐€๐ ๐๐Ž๐Ž๐‘ ๐€๐’๐’๐Ž๐‚๐ˆ๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐’ ๐’๐€ ๐๐‘๐†๐˜. ๐€๐‚๐Œ๐€๐‚, ๐ˆ๐‹๐ˆ๐†๐€๐ ๐‚๐ˆ๐“๐˜

Matagumpay na isinagawa ng PCUP Mindanao nito lang Lunes, ika-22 ng Hunyo 2026, ang Basic Leadership, Organizational Management, at Financial Literacy Training para sa mga opisyal ng limang (5) accredited Urban Poor Associations sa Brgy. Acmac, Iligan City.

Pinangunahan ni Area Coordinator Ms. Alma Mae Balabag ang talakayan sa epektibong pamumuno at organisasyonal na pamamahala, habang nagbahagi naman si Ms. Angelie Marie Resabal ng DTIโ€“Lanao del Norte ng mahahalagang kaalaman sa wastong paghawak at pamamahala ng pananalapi.

Layon ng pagsasanay na higit pang palakasin ang kakayahan ng mga samahan sa pamumuno, pamamahala ng organisasyon, at paghahanda sa mga programang pangkabuhayan.

Kaakibat ito ng adbokasiya ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales, na palakasin ang kapasidad ng mga urban poor organizations bilang katuwang sa pag-unlad ng kanilang mga komunidad, alinsunod sa Sustainability at Livelihood components ng Project.



23/06/2026

๐Œ๐Ž๐‘๐๐ˆ๐๐† ๐๐‘๐€๐˜๐„๐‘ | 24 June 2026

Photos from PCUP Luzon's post 23/06/2026

๐ˆ๐‚๐˜๐Œ๐ˆ | ๐€๐†๐ˆ๐‹๐€ ๐’๐‹๐๐€, ๐๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ฅ ๐ง๐š๐ง๐  ๐€๐ค๐ซ๐ž๐๐ข๐ญ๐š๐๐จ ๐ง๐  ๐๐‚๐”๐

Kamakailan lamang ay pormal na iginawad ng PCUP โ€“ Field Operations Division for Luzon ang Certificate of Accreditation sa Agila SLPA sa Tabuk City, Kalinga.

Ang samahan, na binubuo ng mga kababaihang inorganisa ng DSWD-CAR, ay nagsusulong ng isang community-based mini-grocery enterprise bilang dagdag na pagkakakitaan tungo sa mas matatag na kabuhayan.

Personal na ipinagkaloob ni PCUP-FODL Assistant Chief at Area Coordinator Mr. Wilfredo U. Siena, ang sertipiko ng akreditasyon, kalakip ang oryentasyon hinggil sa mga programa at oportunidad na maaaring makatulong sa higit pang pagpapaunlad ng organisasyon.

Mabuhay at pagbati, Agila SLPA!



23/06/2026

๐Ÿ“ข ๐—ฃ๐—–๐—จ๐—ฃ ๐—ก๐—–๐—ฅ, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป!

Malugod pong ipinapaalam sa lahat ng mga partner organizations, urban poor communities, at stakeholders na ang Field Operations Division โ€“ National Capital Region (FOD-NCR) ay lumipat na sa bago nitong tanggapan.

๐Ÿ“ Matatagpuan ang kanilang opisina sa:
๐Ÿ”/๐… ๐ƒ๐‡๐‚ ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐ , ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐„๐ƒ๐’๐€, ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐Ÿ•, ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐•๐ž๐ญ๐ž๐ซ๐š๐ง๐ฌ ๐•๐ข๐ฅ๐ฅ๐š๐ ๐ž, ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ

Ang lahat ng transaksyon, koordinasyon, at pagbisita sa tanggapan ng PCUP NCR ay maaari nang gawin sa bago nitong lokasyon.

Maraming Salamat po!

๐Ÿ“ข ๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Upang higit na mapabuti ang aming serbisyo sa mga organisasyon at komunidad ng maralitang lungsod sa National Capital Region, ipinaaalam po namin na ang Field Operations Division โ€“ NCR (FOD-NCR) ay mayroon nang bagong tanggapan.

Ang lahat ng transaksyon, koordinasyon, at pagbisita sa tanggapan ng FOD-NCR ay maaari nang gawin sa aming bagong lokasyon.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala, suporta, at pakikiisa sa mga programa at serbisyo ng PCUP para sa maralitang lungsod.

with Presidential Commission for the Urban Poor

Photos from PCUP Visayas's post 23/06/2026

๐€๐‹๐๐€๐’ ๐๐ˆ๐‹๐‹๐€๐‘ ๐-๐š๐›๐š๐ก๐š๐ฒ | Pangarap na Lupa, Ngayon ay Pagmamay-ari na ng Purity HOA

Isang mahalagang yugto ang naabot ng mga miyembro ng Purity Homeowners Association, Inc. (PHOAI) matapos ang pormal na paglilipat ng pagmamay-ari ng isang 19,000-square-meter na lupa sa Barangay Mansilingan, Bacolod City noong nakaraang Biyernes, ika-19 ng Hunyo 2026.

Sa pamamagitan ng Direct Negotiated Purchase scheme, matagumpay na nabili at nabayaran ng samahan ang lupang nagkakahalaga ng โ‚ฑ11.2 milyon mula sa BPI, na nagbigay sa kanilang mga miyembro ng seguridad sa paninirahan at legal na pagmamay-ari ng lupang matagal na nilang tinatawag na tahanan.

Dinaluhan ng 135 miyembro ng samahan, kasama ang mga kinatawan mula sa BPI, Bacolod Housing Authority (BHA), SHED, at PCUP, ang turnover ceremony bilang pagdiriwang ng tagumpay na bunga ng pagtutulungan, tiyaga, at pagkakaisa ng komunidad.

Kasunod ng turnover, binisita rin ng PCUP Visayas at mga partner agency ang mini aquaculture project ng samahan na kasalukuyang iniendorso sa DSWD-Sustainable Livelihood Program (SLP), bilang bahagi ng pagpapalawak ng mga oportunidad sa kabuhayan para sa mga miyembro.

Kaugnay ito ng pagsusulong ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales, ng mga programang nakatuon sa seguridad sa paninirahan at pangmatagalang pag-unlad ng mga komunidad sa ilalim ng Framework. Patunay ang tagumpay ng Purity HOA na sa pamamagitan ng pagkakaisa, tamang suporta, at aktibong partisipasyon, nagiging posible ang pangarap na magkaroon ng sariling lupa at mas matatag na kinabukasan.

๐™ˆ๐™–๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™ฉ ๐™ฃ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™—๐™–๐™ฉ๐™ž ๐™ฅ๐™ค, ๐™ข๐™ช๐™ก๐™– ๐™จ๐™– ๐™‹๐˜พ๐™๐™‹! ๐Ÿค



23/06/2026

๐๐‚๐”๐ ๐๐‘๐„๐’๐’ ๐‘๐„๐‹๐„๐€๐’๐„ | ๐๐‚๐”๐ ๐€๐“ ๐๐‡๐ˆ๐‹๐…๐ˆ๐ƒ๐€, ๐๐€๐Š๐€๐“๐€๐Š๐ƒ๐€๐๐† ๐‹๐”๐Œ๐€๐†๐ƒ๐€ ๐๐† ๐Œ๐Ž๐€ ๐๐€๐‘๐€ ๐๐€๐‹๐€๐–๐€๐Š๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Ž๐๐Ž๐‘๐“๐”๐๐ˆ๐ƒ๐€๐ƒ ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐€๐‹๐ˆ๐“๐€

Nakatakdang lumagda ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) sa isang Memorandum of Agreement (MOA) na naglalayong palawakin ang mga oportunidad sa kabuhayan para sa mga komunidad ng maralitang tagalungsod sa buong bansa.

Sa ilalim ng planong pagtutulungan, mabibigyan ang mga benepisyaryo ng kaalaman at kasanayan sa fiber production, processing, weaving, at product development. Layunin din nitong matulungan silang magkaroon ng mas malawak na access sa mga kinakailangang resources at mga oportunidad sa merkado upang mapataas ang kanilang kita at mapabuti ang kanilang kalidad ng pamumuhay.

____________________________________________

Sa ilalim ng pamumuno ni PCUP Chairperson at CEO Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales, patuloy na isinusulong ng Komisyon ang ALPAS Komunidad Project sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa ibaโ€™t ibang ahensya ng pamahalaan upang makapaghatid ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng sektor ng maralitang tagalungsod. Ang inisyatibong ito ay kaakibat ng whole-of-nation approach ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapalawak ng mga oportunidad sa kabuhayan, pagpapalakas ng mga komunidad, at pagsusulong ng inklusibo at napapanatiling kaunlaran para sa lahat.

read more: https://pcup.gov.ph/pcup-at-philfida-nakatakdang-lumagda-ng-moa-para-palawakin-ang-mga-oportunidad-sa-kabuhayan-ng-maralita/




Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


10th And 18th Floor The Upper Class Tower, Quezon Avenue Cor. Scout Reyes St. , Brgy. Paligsahan
Quezon City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm