13/06/2026
Mula sa power tiller at mga gardening tools hanggang sa egg-layering project na nagkakahalaga ng mahigit ₱300,000, patuloy na dinadala ng DAR ang mga programa at serbisyo nito sa mga malalayong komunidad, tulad dito sa Limasawa, upang matiyak na walang magsasakang maiiwan sa pag-unlad.
BASAHIN: https://www.dar.gov.ph/darco-news-subroute/25121
Follow us: https://twitter.com/dargovph http://instagram.com/dargovph https://www.tiktok.com/ https://www.youtube.com/c/dargov
13/06/2026
Naga City, Cebu – Mahigit 2,200 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Central Visayas ang nakikinabang ngayon sa mga programa ng repormang agraryo matapos ipagkaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang mga titulo ng lupa, pagbura ng utang sa lupa, at mga suportang pangsaka sa isang distribusyon na ginanap sa Naga City.
BASAHIN: https://www.dar.gov.ph/darco-news-subroute/25128
Follow us: https://twitter.com/dargovph http://instagram.com/dargovph https://www.tiktok.com/ https://www.youtube.com/c/dargov
12/06/2026
Hindi lang lupa ang ipinagkakaloob ng DAR — kundi mas magaan na pasaning pinansyal, mas matatag na pagmamay-ari ng lupa at mas malaking oportunidad para umunlad ang buhay ng bawat magsasakang Pilipino.
BASAHIN: https://www.dar.gov.ph/darco-news-subroute/25119
Follow us: https://twitter.com/dargovph http://instagram.com/dargovph https://www.tiktok.com/ https://www.youtube.com/c/dargov
12/06/2026
Buenavista, Agusan del Norte — Mahigit 700 miyembro ng Barangay Agrarian Reform Committee (BARC) mula sa iba’t ibang lalawigan ng Rehiyon ng Caraga ang nanumpa kamakailan sa harap ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado M. Estrella III, bilang patunay ng mas pinalakas na ugnayan ng pamahalaan at mga lokal na komunidad sa pagsusulong ng repormang agraryo at kaunlaran sa kanayunan.
BASAHIN: https://www.dar.gov.ph/darco-news-subroute/25123
Follow us: https://twitter.com/dargovph http://instagram.com/dargovph https://www.tiktok.com/ https://www.youtube.com/c/dargovph1
11/06/2026
Maligayang Araw ng Kalayaan!
Sa pagdiriwang ng ika-128 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, ating alalahanin ang kagitingan ng ating mga bayani at ipagpatuloy ang kanilang adhikain sa pamamagitan ng pagkakaisa, malasakit, at paglilingkod sa bayan.
Kasama ng DAR, ipinagdiriwang natin ang kalayaang nagbibigay-daan sa mas makatarungan at mas maunlad na kinabukasan para sa ating mga magsasaka at pamayanang agraryo.
Mabuhay ang Pilipinas!
Follow us: https://twitter.com/dargovph http://instagram.com/dargovph https://www.tiktok.com/ https://www.youtube.com/c/dargov
11/06/2026
LIMASAWA, Southern Leyte – Tumanggap ang Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa isla ng Limasawa ng mahigit ₱400,000 halaga ng suportang pangkabuhayan mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) upang mapalakas ang kanilang kabuhayan at makatulong sa pagharap sa mga epekto ng pagbabago ng klima.
BASAHIN: https://www.dar.gov.ph/darco-news-subroute/25121
Follow us: https://twitter.com/dargovph http://instagram.com/dargovph https://www.tiktok.com/ https://www.youtube.com/c/dargov
10/06/2026
Ibinahagi ni Ymeraldo Bresenio kung paano nakatutulong ang makabagong makinarya sa pagpapabilis ng pag-aani at pagpapagaan ng trabaho sa bukid. Ayon sa kanya, malaki ang maitutulong ng mga kagamitang ito upang mabawasan ang gastos sa paggawa, mapataas ang produktibidad, at mapalago ang kita ng mga magsasaka.
BASAHIN: https://www.dar.gov.ph/darco-news-subroute/25089
Follow us: https://twitter.com/dargovph http://instagram.com/dargovph https://www.tiktok.com/ https://www.youtube.com/c/dargov
10/06/2026
Tandag City, Surigao del Sur — Higit 6,000 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Caraga Region ang tuluyang nakalaya mula sa deka dekadang pagkakautang at nakamit ang ganap na pagmamay ari ng kanilang mga lupa matapos patawarin kamakailan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang mahigit ₱423 milyong hindi nabayarang amortisasyon sa lupa at mamahagi ng 6,396 land titles sa isang makasaysayang seremonya.
BASAHIN: https://www.dar.gov.ph/darco-news-subroute/25119
Follow us: https://twitter.com/dargovph http://instagram.com/dargovph https://www.tiktok.com/ https://www.youtube.com/c/dargov
09/06/2026
Pinangunahan nina DAR Undersecretary Amihilda J. Sangcopan at Regional Director Joseph Orilla, MPSA, ang pagkakaloob ng mga makinarya at kagamitang pansaka sa mga ARBO sa Rehiyon ng Davao. Ang tulong na ito ay inaasahang magpapataas ng produksyon, magpapababa ng gastusin sa pagsasaka, at magpapalakas sa kabuhayan ng mga ARB at kanilang mga organisasyon.
BASAHIN: https://www.dar.gov.ph/darco-news-subroute/25089
Follow us: https://twitter.com/dargovph http://instagram.com/dargovph https://www.tiktok.com/ https://www.youtube.com/c/dargov
09/06/2026
MIMAROPA Region — Pinaigting ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang kanilang mga hakbang upang hikayatin ang kabataang Pilipino na ituring ang agrikultura bilang isang kapaki-pakinabang na karera, na mahalaga sa pagpapanatili ng produksyon sa bukid at sa pagtiyak ng seguridad sa pagkain ng bansa.
BASAHIN: https://www.dar.gov.ph/darco-news-subroute/25090
Follow us: https://twitter.com/dargovph http://instagram.com/dargovph https://www.tiktok.com/ https://www.youtube.com/c/dargovph1