13/06/2026
REX Gatchalian
The Official page of DSWD Secretary
REX Gatchalian
13/06/2026
13/06/2026
13/06/2026
Agad tayong tumugon sa pangangailangan ng 5 pamilyang naapektuhan ng sunog kamakailan sa Valenzuela Gateway Complex sa Brgy. Paso de Blas.
Naghatid tayo ng Ready-to-Eat Food (RTEF), Family Food Packs (FFPs), hygiene kits, sleeping kits, at kitchen kits mula sa Departamento upang agad na matugunan ang kanilang pangangailangan.
Patuloy ang ating monitoring, assessment, at koordinasyon sa Valenzuela City Social Welfare and Development Office at sa barangay upang masiguro ang sapat na suporta para sa mga apektadong pamilya.
13/06/2026
13/06/2026
Nasa Davao Occidental tayo ngayong araw para sa patuloy na assessment at monitoring ng mga lugar na naapektuhan ng lindol, upang matiyak ang agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong pamilya at komunidad.
13/06/2026
Thank you to UN-WFP for providing trucks to transport 5,100 family food packs from the Visayas Disaster Resource Center (VDRC) to General Santos City for families affected by the Mindanao earthquake.
13/06/2026
Maagang kumikilos ang ating DSWD Northern Mindanao Mobile Kitchen Team upang makapaghanda ng mainit na pagkain para sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol sa Glan, Sarangani.
Tuloy-tuloy ang pagluluto at pamamahagi ng pagkain upang matiyak na may mainit na makakain ang mga kababayan nating apektado ng sakuna. Sa bawat pagkain na naihahain, ipinaparamdam natin na hindi sila nag-iisa at kasama nila ang pamahalaan sa kanilang pagbangon.
❤️
13/06/2026
FFPs UPDATE: As of 6PM ngayong Biyernes (Hunyo 12), umabot na sa 71,431 family food packs (FFPs), 7,428 ready-to-eat food (RTEF) boxes at 3,462 non-food items ang naipamahagi sa mga lugar na labis na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Bahagi ito ng augmentation request mula sa mga lokal na pamahalaan na nakalaan para sa mga pamilyang naapektuhan sa:
• Zamboanga Peninsula
• Davao Region
• SOCCSKSARGEN
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan para matiyak ang maagap na pagtugon at tuloy-tuloy na paghahatid ng kinakailangang tulong sa mga apektadong komunidad.
❤️
12/06/2026
Patuloy ang paghahanda at pagpapadala natin ng family food packs para sa mga pamilyang apektado ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Sa tulong ng mga volunteer at katuwang na ahensya, mas napapabilis ang relief operations upang agad na maihatid ang kinakailangang suporta sa mga komunidad na nangangailangan.
Alinsunod sa direksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy ang buong-puwersang pagtugon ng pamahalaan para sa mga apektadong pamilya.
❤️
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Telephone
Address
DSWD Building, Constitution Hills, Batasan Complex
Quezon City
1126
