22/06/2026
ICYMI: AGILA SLPA, GINAWARAN NG PCUP ACCREDITATION
Kamakailan lamang sa Tabuk City ay pormal na iginawad ng PCUP - Field Operations Division for Luzon ng sertipiko ng akreditasyon sa Agila SLPA, isang samahan ng kababaihan na inorganisa ng DSWD CAR upang magtatag ng kanilang mini-grocery na negosyo sa komunidad.
Personal na ipinagkaloob ng PCUP-FODL Assistant Chief at Area Coordinator para sa Kalinga ang sertipiko, kasabay ng oryentasyon hinggil sa mga posibleng susunod na ugnayan at programa upang lalo pang mapatatag ang kanilang organisasyon.
Tulad ng isang agila, inaasahan na patuloy na aangat at lalong lalakas ang Agila SLPA sa pag-abot ng kanilang mga pangarap para sa kanilang pamilya at komunidad.
Mabuhay at pagbati, Agila SLPA!
22/06/2026
ICYMI: BAYANIHAN SA TABUK CITY; Samahang SLP, Kinilala at Suportado ng PCUP
Kamakailan lang ay pormal na iginawad ng PCUP - Field Operations Division for Luzon ang Certificate of Accreditation sa Sakat Binongsay SLPA, isang samahan ng masisipag na maybahay sa Tabuk City, Kalinga na nagbuklod upang makinabang sa mga programa at serbisyong hatid ng pamahalaan.
Sa isinagawang awarding ceremony, nasaksihan ng PCUP ang diwa ng bayanihan sa komunidad kung saan ang mga miyembro, kasama ang kanilang mga asawa, ay boluntaryong nagtutulungan sa pagtatayo ng kanilang negosyo na pinondohan ng DSWD sa ilalim ng SLP: Phase 2 Pagsibol Program.
Personal na iginawad ni PCUP-FODL Assistant Chief at Kalinga Area Coordinator na si G. Wilfredo U. Siena ang sertipiko, kalakip ang pagbati at pag-asa sa patuloy na pakikipagtulungan para sa kaunlaran ng komunidad.
19/06/2026
𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐤𝐚-𝟏𝟔𝟓 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐆𝐚𝐭 𝐉𝐨𝐬𝐞 𝐑𝐢𝐳𝐚𝐥! 🇵🇭
Kaisa ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ng sambayanang Pilipino sa paggunita sa ika-𝟷𝟼𝟻 na kaarawan ng ating 𝗗𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶, 𝗚𝗮𝘁 𝗝𝗼𝘀𝗲 𝗥𝗶𝘇𝗮𝗹.
𝗡𝗮𝘄𝗮’𝘆 𝗺𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗮𝘁 𝗽𝗿𝗶𝗻𝘀𝗶𝗽𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗿𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻, 𝗺𝗮𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻 𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 𝗹𝗮𝗹𝗼 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼. 🫡
18/06/2026
TINGNAN: PCUP, nakiisa sa konsultasyon para sa ISFs sa SJDM; positibong tugon sa inilaang relokasyon
Nakiisa ang PCUP – Field Operations Division for Luzon sa isinagawang consultative meeting kasama ang mga Informal Settler Families (ISFs) sa Barangay Minuyan Proper, City of San Jose del Monte, Bulacan nitong Hunyo 18, 2026.
Layunin ng pagpupulong na pakinggan at konsultahin ang mga pamilyang kasalukuyang naninirahan sa NHA Industrial Lot hinggil sa planong relokasyon ng NHA at City LGU, sa pangunguna ng HHRO at CSWD. Inalok ang mga pamilya ng dalawang relocation sites, kung saan mas positibo ang naging pagtanggap nila sa Rising City Village na may house and lot at kabuuang 40 sqm na lote.
Kinilala ng PCUP at CHR ang aktibong partisipasyon ng mga residente bilang indikasyon ng kanilang kahandaang makipagtulungan. Hinikayat din silang ipahayag ang kanilang saloobin habang patuloy na nakikinig ang pamahalaan. Pinuri rin ng PCUP at CHR ang NHA at LGU sa pagbibigay ng relocation lot, tulong pinansyal at transport assistance.
Bilang bahagi ng aktibidad, nakiisa rin ang PCUP sa site visit kasama ang HHRO, NHA at mga pamilya upang personal na makita ang relocation area, kung saan nagpakita sila ng positibong reaksyon.
18/06/2026
BASAHIN: Noong 16 Hunyo 2026, sa ilalim ng pamumuno ni PCUP Undersecretary Michelle Anne B. Gonzales, nagsagawa ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ng ocular inspection at coordination activities sa Barangay Bambang, Los Baños, Laguna upang suriin ang kalagayan ng (54 pamilyang naapektuhan) ng pagkawala ng access at suplay ng kuryente matapos ang pagpapatupad ng court-ordered demolition sa katabing ari-arian.
Pinangunahan ang aktibidad nina Assistant Legal Services Unit Head Atty. Robert U. Bonifacio at Laguna Provincial Area Coordinator Ms. Pamela Bianca T. Agres, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng PCUP na beripikahin ang mga suliranin ng komunidad at matukoy ang mga angkop na interbensyon ng pamahalaan.
Sa isinagawang inspeksyon, natuklasan na ang mga residente ay pansamantalang nanunuluyan sa evacuation area dahil sa pagkawala ng kuryente at limitadong access sa kanilang lugar. Napag-alaman din na ang komunidad ay matatagpuan sa tabing-lawa at mataas ang panganib sa pagbaha. Bilang tugon, nakipag-ugnayan ang PCUP sa mga lokal na opisyal upang matukoy ang mga posibleng tulong para sa mga apektadong pamilya, kabilang ang posibleng referral sa DSWD.
Kasabay nito, isinagawa rin ang follow-up sa pagsusumite at pagsasama-sama ng mga dokumentong may kaugnayan sa mga usapin sa lupa sa mga lugar na saklaw ng Presidential Proclamation No. 550 (PP 550). Layunin nitong makabuo ng mga rekomendasyong polisiya at lehislatibo na maaaring isumite sa House of Representatives upang matugunan ang mga isyu sa seguridad sa paninirahan ng mga residente.
Ipinakita ng aktibidad ang matibay na pangako nina Usec. Michelle Anne B. Gonzales,Atty. Robert U. Bonifacio, at Ms. Pamela Bianca T. Agres, kasama ang PCUP, na tiyaking naririnig at natutugunan ang mga pangangailangan ng mga maralita at bulnerableng komunidad sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan, masusing beripikasyon, at pagbuo ng mga polisiya batay sa aktuwal na kalagayan ng mga mamamayan.
18/06/2026
𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡| Mula sa Bangka Hanggang Pagsasanay: Komprehensibong Suporta para sa mga Mangingisda ng Kalayaan, Laguna
09 Hunyo 2026 – Isang mahalagang hakbang para sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga mangingisda sa bayan ng Kalayaan ang isinagawa matapos makatanggap ng mga motorized fishing boats ang mga kasapi ng Samahang Mandaragat ng Barangay San Juan at Samahang Mangingisda ng Purok 7 at 8, Longos sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP).
Naisakatuparan ang livelihood assistance sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DOLE Region IV-A, Lokal na Pamahalaan ng Kalayaan, at Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP). Inaasahang makatutulong ang mga bangka upang mapataas ang produktibidad ng mga benepisyaryo at makapagbigay ng mas matatag na pinagkukunan ng kita para sa kanilang mga pamilya.
Kasunod ng turnover ceremony, personal na bumisita si Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales sa komunidad ng mga benepisyaryo at nagsagawa ng ocular inspection sa kanilang daungan at lugar ng pangingisda. Layunin ng pagbisita na mas maintindihan ang aktuwal na kalagayan ng mga mangingisda at matukoy ang iba pang programang maaaring makatulong sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan.
Bunga naman ng isinagawang konsultasyon, napagkasunduan ang pagsasagawa ng dalawang araw na Capability Building Training na pangungunahan ng PCUP, sa pamamagitan ng Area Coordinator ng Laguna na si Ms. Pamela Bianca T. Agres, at popondohan ng Lokal na Pamahalaan ng Kalayaan. Kabilang sa mga tatalakayin ang fisheries enterprise management, organizational development, at basic bookkeeping and financial management upang higit na mapalakas ang kakayahan ng mga samahan sa maayos na pamamahala at pagpapanatili ng kanilang livelihood project.
Ipinakita ng inisyatibong ito na ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa pagkakaloob ng kagamitan, kundi pati sa pagbibigay ng sapat na kaalaman at kakayahan upang matiyak ang pangmatagalang tagumpay ng mga benepisyaryo. Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan, mas nabibigyan ng pagkakataon ang mga mangingisda na mapabuti ang kanilang kabuhayan at makapag-ambag sa pag-unlad ng kanilang komunidad.
17/06/2026
𝗔𝗟𝗣𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗟𝗟𝗔𝗥 𝗣-𝗮𝗯𝗮𝗵𝗮𝘆 | PCUP, Nakiisa sa NDAPSSS 2026 Training sa Bataan
Nakiisa ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa National Drive Against Professional Squatters and Squatting Syndicates (NDAPSSS) 2026 Training na ginanap noong ika-10-11 ng Hunyo 2026 sa Balanga City, Bataan.
Nagbahagi si Commissioner Atty. Emmanuel Gison Jr., ng mensahe ng suporta kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng Framework at ang patuloy na pakikipagtulungan ng PCUP sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan para sa kapakanan ng mga maralitang tagalungsod.
Samantala, tinalakay ni Atty Robert Bonifacio ng PCUP Legal Unit ang mga legal na aspeto ng demolition at eviction sa ilalim ng RA 7279 o Urban Development and Housing Act (UDHA), kabilang ang mandato ng PCUP sa pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga pamilyang maaapektuhan ng mga nasabing proseso.
Suportado ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales, ang aktibong pakikilahok nina Commissioner Gison Jr. at Atty. Bonifacio sa NDAPSSS 2026 Training bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng Komisyon ng mga programang nagtataguyod ng proteksyon sa karapatan, seguridad sa paninirahan, at kapakanan ng mga maralitang tagalungsod.
Patuloy na katuwang ang PCUP sa pagsusulong ng makatao, makatarungan, at legal na pagpapatupad ng mga programa sa pabahay.
via | Office of Commissioner Gison
16/06/2026
𝘼𝙇𝘼𝙈 𝙈𝙊 𝘽𝘼?🤔
✅𝐖𝐀𝐋𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐃 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐩𝐩𝐥𝐲 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐫𝐞-𝐫𝐞𝐧𝐞𝐰 𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐫𝐞𝐝𝐢𝐭𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐔𝐫𝐛𝐚𝐧 𝐏𝐨𝐨𝐫 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 (𝐔𝐏𝐎𝐬) 𝐬𝐚 𝐏𝐂𝐔𝐏!
Alinsunod sa Commission Resolution No. 7 s. 2025, permanente nang tinanggal ng PCUP ang dating ₱100 accreditation fee para sa mga Urban Poor Organizations (UPOs), batay sa mga patnubay ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) upang gawing mas simple, mabilis, at accessible ang mga serbisyo ng pamahalaan.
Sa resolusyong ito na pinirmahan ni Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales kasama ang apat na Komisyonado, mas maraming organisasyon ng maralitang tagalungsod ang magkakaroon ng pagkakataong maging bahagi ng mga programa, konsultasyon, at iba pang inisyatiba ng PCUP nang walang dagdag na pasaning pinansyal.
Kung kayo ay isang kwalipikadong Urban Poor Organization, inaanyayahan kayo ng PCUP na magpa-akredit at makibahagi sa pagsusulong ng kapakanan ng mga maralitang tagalungsod.
Full copy of the resolution:https://pcup.gov.ph/.../12_CommissionResolutionNo.7.pdf.pdf
15/06/2026
𝗔𝗖𝗖𝗥𝗘𝗗𝗜𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡| 𝐏𝐂𝐔𝐏 𝐍𝐚𝐠𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫 𝐬𝐚 𝐓𝐚𝐛𝐚𝐜𝐨 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐀𝐥𝐛𝐚𝐲
Tabaco City, Albay – Noong Hunyo 11, 2026, nagsagawa ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ng Basic Orientation Seminar (BOS) para sa mga miyembro ng Hiraya Manawari Residences Phase I HOA at Hiraya Manawari Residences Phase II HOA sa Tabaco City, Albay.
Ang seminar ay pinangunahan ni Victor Allan C. Ilagan, Area Coordinator para sa Albay, katuwang ang Tabaco City Housing and Settlements Office at Urban Poor Affairs Office. Tinalakay sa aktibidad ang mandato, mga programa at serbisyo ng PCUP, gayundin ang proseso ng akreditasyon para sa mga samahang urban poor.
Nagkaroon din ng talakayan hinggil sa mga oportunidad para sa mga programang pangkabuhayan na maaaring makatulong sa pagpapabuti ng kalagayang pang-ekonomiya ng mga miyembro. Sa pagkakataong ito, naipahayag ng mga kalahok ang kanilang mga pangangailangan, partikular sa livelihood assistance at skills training.
Bilang tugon, nagbahagi ang PCUP ng mga impormasyon tungkol sa mga programang maaaring mapakinabangan ng samahan at sa mga posibleng ugnayan sa iba pang ahensya ng pamahalaan upang higit na mapalakas ang kanilang kabuhayan at kakayahan.
Patuloy ang PCUP sa pagsasagawa ng mga programang nagbibigay-kaalaman at suporta sa mga urban poor organizations upang mapalawak ang kanilang partisipasyon sa mga programang pangkaunlaran at mapabuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay.