Barangay Bagong Pag-asa QC - CCTV Department

Barangay Bagong Pag-asa QC - CCTV Department

Share

Welcome to the official page of CCTV Department/1HOPE Command Center (Handled by Ms. A & D).

Pag sama-sama, kayang-kaya tungo sa Safer and Smarter Barangay Bagong Pag-asa!

08/10/2025

📣 PAALALA AT PAGLILINAW 📣

Nais po naming ipabatid sa lahat na WALA pong Basketball League event na gaganapin ngayong darating na Oktubre na opisyal na inorganisa o suportado ng ating Barangay

❌ Huwag po tayong maniwala sa mga taong nagsasabi o nagsosolicit ng donasyon o sponsorship para sa diumano’y liga ngayong Oktubre.

❗ Maaaring ito ay panlilinlang lamang.
Kung kayo po ay nakatanggap ng ganitong uri ng solicitation, mangyaring ipagbigay-alam agad sa amin upang aming maimbestigahan at maaksyunan.

Para sa opisyal na mga anunsyo at kaganapan, mangyaring sundan lamang ang aming opisyal na page o makipag-ugnayan sa ating Barangay.

Maraming salamat po at mag-ingat tayong lahat.

01/10/2025

good evening po sa kung sino man po nakakakilala kay Mr Mark Beltran Sales. amin pong ipinaalam na mayroon pong nakapulot ng kanyang lisensya .at kung maari po ay p**i contact po si Mr. MARLON, cp # 09454936647 maraming salamat po !

Photos from Barangay Bagong Pag-asa QC's post 24/09/2025
19/09/2025

Happy birthday, kapitana Chinggay Ostrea Bilaos! 🥳

Mula sa Barangay Bagong Pag-asa CCTV Department, kami po ay bumabati ng Maligayang Kaarawan sa'yo! Nawa'y ang araw na ito at ang lahat ng iyong mga araw ay mapuno ng pagmamahal at patuloy na kahanga-hangang pagseserbisyo.

17/09/2025

Masaya at makulay na araw ang naghihintay sa atin ngayong Sabado, Setyembre 20! Sama-sama tayong makibahagi sa iba’t ibang aktibidad para sa buong pamilya!

🤰🏻 Pregnant Women’s Kit Distribution
⛪️ Blessing of Mortuary’s Prayer Room
🛝 Grand Opening ng Children’s Park
🎪 Food & Booth Caravan
👑 Ms Gay Pangkalawakan 2025

At syempre, hindi mawawala ang espesyal na selebrasyon ng kaarawan ni Kapitana Chinggay! 🎂🎉

Kita-kits muli para nanaman sa isang masaya at makulay na Sabado sa Road 9, Barangay Bagong Pag-asa, QC! ✨

16/09/2025

FREE MEDICAL MISSION‼️

🗓️ September 20, 2025 (Sabado)
🕗 8:00 AM
📍 HONA St. Sitio San Roque, Bagong Pag asa
🪪 Magdala po ng valid ID + Photocopy

Bantay Health MEDICAL MISSION

‼️Change Venue‼️

🗓️ September 20, 2025 (Sabado)
🕗 8:00 AM
📍Barangay Bagong Pag-asa, Road 11, Grotto. (Paalala! Hindi na po ito gaganapin sa Hona - San Roque sa kadahilanang hindi kakasya ang Medical Coaster)

Ito ay handog ng Bagong Henerasyon Partylist kasama ang ating Kapitana Chinggay Bilaos para sa mamamayan ng Barangay Bagong Pag-asa.

✅ LIBRENG Check-up
✅ LIBRENG Gamot
✅ LIBRENG Laboratory Tests (Blood Chemistry, ECG, Urinalysis, CBC, Ultrasound, X-ray at iba pa!)

📌 Magdala ng valid ID + photocopy
📍 Barangay Bagong Pag-asa

Dahil ang kalusugan ng residente ng Barangay Bagong Pag-asa ay aming prayoridad!





13/09/2025

Gusto mo ba ng FREE BAZAAR VOUCHER?🎁
Tara na't mag-register sa 1HOPE Registration Booth! (we are here sa tapat ng FIRE!)

Bisitahin at magparegister lamang sa ating 1HOPE registration Booth tuwing Sabado ngayong Setyembre sa Barangay Bagong Pag-asa QC Bazaar (Road 9) at magdala ng 1 VALID ID para sa verification.

Kaya't kita-kits muli ngayong Sabado, mga ka-barangay! 🤩

12/09/2025

Gusto mo ba ng FREE BAZAAR VOUCHER? Tara na't mag-register sa 1HOPE Registration Booth! 🎁

Bisitahin at magparegister lamang sa ating 1HOPE registration Booth tuwing Sabado ngayong Setyembre sa Barangay Bagong Pag-asa Bazaar (Road 9) at magdala ng 1 VALID ID para sa verification.

Kaya't kita-kits muli ngayong Sabado, mga ka-barangay! 🤩

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


1Hope Command Center, Road 9 Cor Road 11, Brgy. Bagong Pag-asa
Quezon City
1105