Department of Tourism, Culture and Arts of Manila

Department of Tourism, Culture and Arts of Manila

Share

Welcome to the official page of the
Department of Tourism, Culture and Arts of Manila

Photos from Department of Tourism, Culture and Arts of Manila's post 02/06/2026

The AIA Rock ‘n’ Roll Running Series Manila 2026 was officially launched in the City of Manila, with Mayor Isko Moreno Domagoso gracing the occasion alongside National Artist for Music, Maestro Ryan Cayabyab.

The launch celebrated the fusion of running, music, and Filipino culture, highlighting Manila’s growing stature as a premier destination for international sporting events while showcasing the best of OPM and the Filipino spirit to the world. 🇵🇭







02/06/2026

Sa puso ng Tondo isinulat ang isang makabuluhang yugto ng ating kasaysayan. Sa paggunita ng Ika-455 Anibersaryo ng Labanan sa Bangkusay, ating pinararangalan ang kagitingan ng mga mandirigmang lumaban para sa kalayaan at dangal ng bayan. Nawa’y magsilbing inspirasyon sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon ang kanilang katapangan at pagmamahal sa Inang Bayan.


02/06/2026

MABUHAY! 🌸✨

Muling namulaklak ang Maynila sa isang makulay na pagdiriwang ng pananampalataya, kultura, at tradisyon sa Flores de Maynila.

Kasama ang mga likhang floral masterpieces ng Dangwa at ang mga Miss Manila 2026 Candidates, naging buhay na buhay ang puso ng Dangwa Flower Market sa isang gabi ng pamana, kagandahan, at pagkakaisa.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa pagdiriwang ng Flores de Maynila.



Photos from Manila Clock Tower Museum's post 01/06/2026
Photos from Department of Tourism, Culture and Arts of Manila's post 01/06/2026

HOME ALONG DA RILES SPECIAL SCREENING

Sa unang araw ng ating month-long celebration ng Ika-455 Araw ng Maynila, nagkaroon ng special screening ng Home Along Da Riles: Da Reunion para sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, na ginanap sa Manila Metropolitan Theater.

Isang pagpupugay ito kay Dolphy, ang Hari ng Komedya at isang tunay na Manileño na isinilang at lumaki sa Tondo, Maynila. Sa pamamagitan ng Home Along Da Riles, muli nating ginugunita ang kanyang makulay na pamana at ang kuwentong sumasalamin sa katatagan, kasiyahan, at pagkakaisa ng pamilyang Pilipino—mga pagpapahalagang patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat Manileño.

Ang palikula ay ipapalabas sa iba’t-ibang sinehan sa buong bansa sa darating na Hunyo 17.


Photos from Manila, MY Manila's post 01/06/2026
Photos from Department of Tourism, Culture and Arts of Manila's post 01/06/2026

IKA-455 ARAW NG MAYNILA

Makiisa sa pagdiriwang ng ika-455 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Maynila!

Sa temang “Matatag sa Hamon, Pinagtibay ng Panahon,” ipagdiwang natin ang makasaysayang pamana at makabagong sigla ng ating lungsod.


Photos from Department of Tourism, Culture and Arts of Manila's post 31/05/2026

🌺 FLORES DE MAYNILA 2026 🌸

Mula sa makukulay na bulaklak ng Dangwa hanggang sa kagandahan ng ating mga kandidata ng Miss Manila 2026, ipinagmamalaki natin ang husay at pagkamalikhain ng mga Manileño.

Sa pagdiriwang ng Flores de Mayo bilang pagpupugay at pag-aalay ng mga bulaklak sa Mahal na Birheng Maria, mas lalong nagniningning ang mayamang tradisyon ng pananampalataya at kultura sa ating lungsod. Sa bawat floral arrangement ay makikita ang sining, sipag, at dedikasyon ng ating mga lokal na florists na matagal nang nagbibigay-buhay sa Dangwa bilang sentro ng industriya ng bulaklak sa Maynila.

Kasabay nito, ipinamalas ng ating mga kandidata ng Miss Manila 2026 ang kanilang ganda, kumpiyansa, at natatanging personalidad habang nagbibigay-pugay sa floral craftsmanship na sumasalamin sa malikhaing diwa ng mga Manileño.

Isang makulay na pagdiriwang ng pananampalataya, kagandahan, sining, at galing ng Manileño. 🌸✨🙏

31/05/2026

Flores de Maynila 🌸 Awarding 🥇🥈🥉

31/05/2026
Want your business to be the top-listed Government Service in Quiapo?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Rm. 140, G/F, Manila City Hall
Quiapo
1000