18/05/2026
๐ช๐ ๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ช๐ ๐ช๐๐๐! ๐๐ฅ๐ฅ๐๐ฆ๐ง ๐๐๐ง๐ข ๐๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ฆ๐ ๐ก๐ข๐ช!๐น
Posted and ready to serve the warrant!๐ฌ
Mainit na tinanggap ng mga San Joseรฑo ang ating mensahe para agaran nang humarap sa pananagutan ang pugante na si Bato Dela Rosa.
Sa isang malikhaing pamamahagi ng pulyetos at poster, higit na nabatid ng mga kabataang nag-aakbayan ang mga saloobin at reaksyon ng mga residente ng San Jose Del Monte hinggil sa pagpapatakas at pagprotekta ng Senate majority sa pugante na si Bato Dela Rosa; kasunod ng nangyaring karahasan sa Senado at paglabas ng arrest warrant mula sa International Criminal Court.
Para sa katotohanan at pananagutan, malinaw na iisa ang panawagan ng mga San Joseรฑo: Arrest Bato Dela Rosa now!
10/05/2026
Hindi lang iisa ang mukha ng pagiging isang inaโitoโy makikita sa bawat pag-kalinga, sa sakripisyo, at sa bawat pusong pinipiling magmahal at bukas na pagtanggap.
Ngayong Araw ng mga Nanay, kinikilala natin ang lahat ng porma ng pag-aaruga at ang kapangyarihan ng pagmamahal na humuhubog sa isang tahanang mapaglingap na patuloy na bumubuo ng isang mas makataong lipunan.
Mula sa Akbayan Youth CSJDM,
Maligayang Araw ng mga Nanay.๐คฑ๐ป
02/05/2026
๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐!
Sa pangunguna ng The Sanctuary Network, kaisa ang Akbayan Youth City of San Jose del Monte, bitbit ang boses ng kababaihan, malinaw na ipinaliwanag kung bakit dapat gawing libre ang period products sa ating mga paaralan at komunidad. Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, hindi dapat ituring na luho ang mga produktong kailangan buwan-buwan ng kababaihan at mga taong nireregla. Ito ay usapin ng kalusugan, dignidad, at karapatan.
Kung may libreng condom para sa proteksyon, dapat may pads din; para sa dignidad at kalusugan. Hindi ito โspecial treatment,โ kundi pagkilala na may partikular na pangangailangan ang kalahati ng populasyon na matagal nang hindi nabibigyan ng sapat na pansin. Ang pagkakaroon ng libre at accessible na period products ay hakbang tungo sa tunay na gender-responsive na serbisyong panlipunan.
Kaya malinaw ang panawagan: itaas ang antas ng serbisyo, gawing abot-kamay ang mga pangunahing pangangailangan, at wakasan ang period poverty. Panahon na para kumilos ang mga institusyonโmula paaralan hanggang lokal na pamahalaanโupang tiyakin na walang maiiwan dahil lamang sa kakulangan sa simpleng serbisyong dapat ay karapatan.
01/05/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐! โ๐ป
Patuloy tayong makikiisa sa Mayo Uno para tangan ang malinaw na paninindiganโ ang laban ng uring manggagawa ay laban ng mga kabataan.
Sa gitna ng tumataas na presyo at nananatiling mababang sahod, lalong lumilinaw na ang krisis ay hindi aksidenteโ ito ay bunga ng sistemang inuuna ang tubo kaysa tao.
Kaya iisa ang ating panawagan ngayon:
๐๐ฎ๐ฐ๐ข๐ฌ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ๐๐ฒ๐๐ฆ๐๐ง!
๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ง๐ฌ ๐๐ซ๐๐งโ๐ญ ๐๐ซ๐๐ ๐ฅ๐๐๐จ๐ซ!
๐๐๐ก๐จ๐ ๐ข๐ญ๐๐๐ฌ, ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐๐ฑ ๐๐ฌ๐๐๐๐ญ๐๐ฌ!
At habang pinipilit gawing normal ang pagsasamantala, patuloy nating pipiliing kumilos, makialam, at makibaka.
๐ธ: Johnfil Crisjim Nunez
28/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐๐.
Matagumpay na naisagawa ang ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ng Akbayan Youth noong April 26, 2026 sa Pol Casino, Towerville, Barangay Minuyan Proper para sa isang hapong pagpapalalim, pag-aaral, at sama-samang pagsusuri sa ating kalagayan bilang kilusan.
Tinalakay natin ang mga pangunahing prinsipyo at oryentasyon ng Akbayan Youth, ang kasaysayan ng Kilusang Kaliwa sa Pilipinas, ang 10-Point Agenda sa National Energy Emergency, at mga kasalukuyang danas ng mamamayan ngayon.
๐๐จ๐ข๐ง ๐๐ค๐๐๐ฒ๐๐ง ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐๐๐ ๐๐จ๐ฐ!
https://forms.gle/niw9pRs5nBZ4Jtor7
https://forms.gle/niw9pRs5nBZ4Jtor7
https://forms.gle/niw9pRs5nBZ4Jtor7
20/04/2026
Nakibahagi ang Akbayan Youth CSJDM, kasama ang ibaโt ibang samahan ng kabataan sa Lungsod ng San Jose del Monte, sa ๐๐๐๐ ๐๐ข๐๐๐ 2026: ๐ฅ๐ฒ๐ถ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ, isang inisyatiba ng BulSUONE Sarmiento.
Dito, hindi tayo nanatiling tagapakinigโtayo ay humarap, nakipatalakayan, at naglatag ng mas malalim na pananaw sa kung paano dapat ang tunay na youth participation sa pamahalaang lokal. โ๐ป
Nagbahagi ng mensahe sina Senator Risa Hontiveros at City Councilor Atty. Ronalyn Pordan, habang sina Hon. Khylla Meneses โ Akbayan Youth National Chairperson at Mary Loida Ramos โ Akbayan Youth Regional Political Officer, ang nanguna sa diskurso hinggil sa paghubog ng lider-kabataanโisang lider na may kamulatan, paninindigan, at malasakit sa sambayanan.
Sa pamumuno rin ni Chairperson Shekinah Chua ng Akbayan Youth โ CSJDM, muling pinatampok ang isang mariing hamon sa mga lider-kabataan:
โKayo, bilang mga lider-kabataan, ang pag-asa ng pagbabagong ito. Nasa inyo ang kakayahang baguhin ang kultura ng pamamahala sa pinakamababang sangay ng pamahalaan, ang ating mga barangay. Nasa inyo ang pagkakataong patunayan na ang kabataan ay hindi lamang tagasunod, kundi mga lider na may malinaw na tinig at matatag na direksyon.โ
Katuwang ang Model SK, sa pangunguna nina MSK National Chairperson Engr. Emmanuel Bernas at MSK National Convener Ma. Lyza Silverio, pinagtitibay natin ang panawagan para sa tapat, transparent, makatao at mabuting paggogobyerno sa lokal.
Para sa amin, hindi sapat na tayo ay marinig lamang. Ang kabataan ay hindi dapat audience, kundi aktibong kalahok, katuwang, at co-creator ng lipunan.
Ang programang ito ay isang mahalagang hakbang sa patuloy na paglinang ng isang mulat, organisado, at progresibong kabataan na hindi natatakot makialam, kumilos at makibaka para sa mas inklusibo at makatarungang lipunan.
โ
๐ธ: Jay-Marvin De Guzman & Paul Bajado
10/04/2026
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฃ๐ข! ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ง๐ฆ๐จ๐ฃ๐๐ฅ, ๐ ๐จ๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐ข๐ ๐ฌ๐จ๐ง๐๐ฅ!
Sa panahon ng krisis at mga pagsubok, ang mga San Joseรฑo ay patuloy na mag-aakbayan!๐ซ
Alam mo ba? Sa bawat pasaherong sumasakay, ang mga tsuper ang pumapasan ng halos โฑ22.00 dahil sa taas ng presyo ng krudo. Sa halagang โฑ17O pataas kada litro, hindi na ito pasada; ito ay sakripisyo. Huwag nating hayaang maputol ang kanilang biyahe.
Habang binabagtas natin ang krisis patungo sa pangmatagalang destinasyon, suportahan natin ang mga tsuper. Anumang halaga ay may patutunguhan. Magbigay ayon sa kakayahan at makibahagi sa ating laban!
27/03/2026
ANO, TARA SA MINUYAN 5?๐น๐
We canโt wait to join you Kabataang San Joseรฑo! Handa na kaming samahan kayo na mag-akbayan at maging bagong henerasyon ng pag-asa!
TO REGISTER, CLICK THE LINK BELOW.
https://forms.gle/wfNp2zJ2zvxHs2At7
https://forms.gle/wfNp2zJ2zvxHs2At7
https://forms.gle/wfNp2zJ2zvxHs2At7
๐ฃ MAGANDANG ARAW, KABATAAN NG MINUYAN V! ๐ฅ
Handa ka na bang maging susunod na lider ng bayan? ๐
โจ This is your moment!
Sumali sa seminar na magpapalakas ng iyong boses at kakayahan:
In collaboration with the dedicated and compassionate leaders of Sangguniang Kabataan Minuyan V
"KABATAAN, KABALIKAT SA PAGPAPAUNLAD NG BAYAN: PAGHUBOG SA LIDERATO AT PAG-ASA SA KINABUKASAN." ๐
๐ค Featuring: G. Frank Araneta
Isang inspiradong lider mula sa Akbayan Youth na magbibigay ng kaalaman at motibasyon para sa ating lahat!
๐ก Level up your leadership skills
๐ค Makibahagi sa pagbabago
๐ Maging inspirasyon sa kapwa kabataan
๐๏ธ March 28, 2026 (Saturday)
โฐ 9:00 AM โ 11:00 AM
๐ Brgy. Minuyan V, CSJDM
๐ฏ For SK scholars or Youth of Minuyan V
๐ฒ Limited slots! Scan the QR code NOW para ma-secure ang iyong spot!
๐ฉ Questions? DM us!
๐ง Sangguniang Kabataan Minuyan V
๐ง SK Chair. Grazellyn Silvestre
๐ง Sk Kag. Alrhena Vhenice
๐ง [email protected]
๐ Mariel Magno
๐ Donโt just watch changeโBE THE CHANGE!
Kitakits, future leaders! ๐ฅ๐ฉต
TO REGISTER, CLICK THE LINK BELOW.
https://forms.gle/wfNp2zJ2zvxHs2At7
https://forms.gle/wfNp2zJ2zvxHs2At7
https://forms.gle/wfNp2zJ2zvxHs2At7
09/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐!๐ฌ ๐๐ฆ๐๐๐ : ๐๐๐ฅ๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ฅ๐จ๐ญโ๐ป๐น
Para kay Edri, ang pinakamahalagang ambag ng kababaihan sa lipunan ay ang pag-empower sa mga kababaihan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga programang angkop sa paghubog ng personal na prinsipyo bilang isang babae.
"Bilang nagkakaisang kabataan sa sektor ng mga kababaihan, isa sa mga progressive movements natin ay ang pag-empower sa mga kababaihan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga programang angkop sa paghubog ng personal na prinsipyo bilang isang babae.
Bilang mga kinatawan ng kababaihan, hindi tayo basta-basta na babae lamang. Tayo ay babae na may boses at pagkakakilanlan, babae na may lakas at tibay, babae na hinubog at pinanday. Babae na may puwang at prinsipyong pinagmamalaki sa lipunan."
Sumali sa Akbayan! Youth ngayong Buwan ng Kababaihan!โ๐
https://forms.gle/niw9pRs5nBZ4Jtor7
https://forms.gle/niw9pRs5nBZ4Jtor7
https://forms.gle/niw9pRs5nBZ4Jtor7
09/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐!๐ฌ ๐๐ฆ๐๐๐ : ๐๐๐ ๐ฆ๐๐จ๐ฆ๐โ๐ป๐น
Para kay Lea, ang pinakamahalagang ambag ng kababaihan sa lipunan na dapat mas kilalanin ngayong Women's Month ay pagpapatunay na ang katarungan ay hindi biyayang ipinagkaloob, kundi karapatang dapat kilalanin. Hangga't may kababaihang patuloy na tumitindig, mananatiling buhay ang pag-asa ng isang lipunang tunay na malaya.
"Bilang isang Lider Kabataan na matagal ng lumalaban para sa karapatan ng kababaihan, ngayong Women's Month mahalagang sariwain na ang sektor ng kababaihan ay ang lakas na matagal nang umiiral kahit di kinikilala, pundasyong di nakikita, ngunit siyang nagpapasan ng kabuuan. Sa kanilang isip nahuhubog ang direksiyon ng lipunan, at sa kanilang tapang nasusukat ang tunay na anyo ng kalayaan. Ako, ikaw, silaโtayong kababaihan ang nagpapatunay na ang kakayahan ay hindi nasusukat sa kasarian, kundi sa talas ng paninindigan at tibay ng loob. Sa bawat pagkakataong tayoโy tumindig, ang daigdig ay unti-unting naitutuwid. Ang ating pinakamahalagang ambag ay hindi lamang ang ating nagawa, kundi ang patuloy na pagpapatunay na ang katarungan ay hindi biyayang ipinagkakaloob, kundi karapatang dapat kilalanin. At hanggaโt may kababaihang patuloy na tumitindig, mananatiling buhay ang pag-asa ng isang lipunang tunay na malaya."
Sumali sa Akbayan! Youth ngayong Buwan ng Kababaihan!โ๐
https://forms.gle/2jxYf3sR85QqBk3X8
https://forms.gle/8dQ1fBNHA1HtPRrdA
https://forms.gle/oyxCbUWP5pobBQ456