𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃 𝐍𝐎 𝐓𝐎𝐁𝐀𝐂𝐂𝐎 𝐃𝐀𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔
DepEd Bagong Buhay F Integrated School - 502220
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Bagong Buhay F Integrated School - 502220, Public School, karunungan Street Area F, San Jose del Monte.
22/06/2026
Happy 128th Anniversary, ka-DepEd! 🎉❤️
Salamat sa 128 taon ng suporta at pakikiisa sa pagtataguyod ng edukasyon para sa bawat Pilipino.
Mula sa mga lungsod hanggang sa pinakamalalayong komunidad, patuloy na nagsisilbing tulay ang DepEd tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat learner sa pamamagitan ng dedikasyon at malasakit ng ating mga g**o at kawani.
Ngayong taon, higit pa sa isang ahensya, ipinagdiriwang natin ang DepEd bilang isang komunidad na nagkakaisa para sa iisang layuning hubugin ang susunod na henerasyon at itaguyod ang kinabukasan ng bansa.
19/06/2026
MGA KAALAMAN TUNGKOL SA DENGUE
Alamin. Iwasan.Labanan.
WALANG LAMOK, WALANG DENGUE!
18/06/2026
𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐚𝐭 𝐇𝐚𝐧𝐝𝐚: 𝐁𝐁𝐅𝐈𝐒 𝐍𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐡𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐰𝐢𝐝𝐞 𝐒𝐢𝐦𝐮𝐥𝐭𝐚𝐧𝐞𝐨𝐮𝐬 𝐄𝐚𝐫𝐭𝐡𝐪𝐮𝐚𝐤𝐞 𝐃𝐫𝐢𝐥𝐥
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng Bagong Buhay F Integrated School (BBFIS) sa isinagawang Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Hunyo 18, 2026, ganap na alas-9:00 ng umaga.
Sa hudyat ng drill, agad na isinagawa ng mga mag-aaral at g**o ang tamang “Duck, Cover, and Hold” bilang paghahanda sa posibleng pagyanig. Nagbigay rin ng mensahe ang punong g**o na si Jocelyn A. San Diego at Mirsan Caňedo upang bigyang-diin ang kahalagahan ng mga safety protocols sa panahon ng lindol. Ipinaliwanag ang tamang pagsunod sa mga hakbang na natutuhan sa drill ay makatutulong upang mabawasan ang panganib at mapanatili ang kaligtasan ng lahat sa oras ng sakuna. Hinikayat din niya ang mga mag-aaral na isabuhay ang kanilang mga natutuhan at maging alerto, responsable, at handa sa anumang emerhensiyang maaaring mangyari.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kahandaan ng buong paaralan sa oras ng sakuna at maituro sa mga mag-aaral ang tamang pagtugon sa panahon ng lindol. Ipinakita ng mga BBFISians ang kanilang disiplina, pakikiisa, at kahandaan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa sa oras ng emerhensiya. Patuloy na isinusulong ng BBFIS ang kultura ng kaligtasan at pagiging handa para sa isang mas ligtas na komunidad ng pagkatuto.
15/06/2026
𝗪𝗘'𝗥𝗘 𝗛𝗜𝗥𝗜𝗡𝗚! 📣
Bagong Buhay F Integrated School (BBF IS) is looking for 1 Cook (Feeding Program)
Requirements:
✅ Resume/Biodata with latest picture
✅ Valid ID
Interested applicants may visit the Principal's Office.
15/06/2026
𝐏𝐓𝐀 𝐄𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐆𝐔𝐈𝐃𝐄𝐋𝐈𝐍𝐄𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔
Para sa ikalilinaw ng lahat, narito po ang guidelines kung sino ang maaaring tumakbo bilang opisyal ng PTA ayon sa DepEd Order No. 13, s. 2022.
MAAARING TUMAKBO:
1. Biyolohikal na magulang
2. Legal na nag-ampon
3. Legal Guardian na may Court Order
MAAARING BUMOTO PERO HINDI MAAARING TUMAKBO:
Lolo/Lola, Tito/Tita, Kuya/Ate, at iba pang kamag-anak na walang court order.
Basahin po nating mabuti. Makilahok, bumoto, at maging responsableng katuwang ng paaralan! 💙
"
14/06/2026
𝐂𝐃𝐂 𝐌𝐚𝐤𝐞𝐬 𝐀 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐆𝐫𝐞𝐞𝐧 𝐃𝐢𝐟𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐭𝐨 𝐁𝐁𝐅𝐈𝐒
CDC 304th Ready Reserve Infantry Battalion conducted an in-house clean-up drive last June 14, 2026 at Bagong Buhay F Integrated School.
Reserves together with Sir Mirsan Cañedo, Sir Jayson Gonzales, and Sir Norman Gotera extended their help to further remove unnecessary wastes, as well as rearrange classroom equipment.
13/06/2026
𝐀𝐫𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐝𝐚 𝐬𝐚 𝐄𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧: 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐥𝐢𝐞𝐬, 𝐇𝐚𝐭𝐢𝐝-𝐒𝐚𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐁𝐅𝐈𝐒𝐢𝐚𝐧𝐬
Umarangkada sa Bagong Buhay F Integrated School ang Team Arangkada sa pamamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral sa pangunguna nina Mayor Florida Robes at Congressman Arthur Robes noong Hunyo 10, 2026.
Layunin ng programang ito na matulungan ang mga mag-aaral at mabigyan sila ng mga pangunahing kagamitang kailangan sa pag-aaral. Kabilang sa mga ipinamahagi ang mga notebook, lapis, papel, at iba pang school supplies. Masayang tinanggap ng mga mag-aaral ang mga kagamitan na magsisilbing katuwang nila sa pagsisimula ng panibagong taon ng pagkatuto. Makikita sa kanilang mga ngiti at pananabik ang pasasalamat sa natanggap na suporta mula sa Team Arangkada.
Ayon sa mga magulang at g**o, malaking ginhawa ang programang ito. Bukod sa mga school supplies, nagbigay rin ito ng pag-asa at motibasyon sa mga kabataan upang pagbutihin ang kanilang pag-aaral. Patuloy namang ipinapakita ng Team Arangkada ang kanilang malasakit sa edukasyon sa pamamagitan ng mga programang naglalayong suportahan ang pangangailangan ng mga mag-aaral at makatulong sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa kabataan ng lungsod.
13/06/2026
𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐏𝐞𝐝𝐫𝐨, 𝐊𝐚𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐁𝐁𝐅𝐈𝐒 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐮𝐬𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐚𝐲𝐨𝐬 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧
Hindi matatawaran ang patuloy na pagtulong at pagbibigay-suporta ng Pamunuan ng Barangay San Pedro sa Bagong Buhay F Integrated School. Upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng paaralan, isinagawa ng barangay ang pagsasaayos ng drainage system sa pamamagitan ng pagtatayo ng open canal sa likurang bahagi ng mga silid-aralan. Sa tulong nito, mababawasan ang pagdaloy at pag-ipon ng tubig na nagdudulot ng pagbaha sa ilang gusali ng paaralan. Bukod dito, nagkaloob din ang Barangay San Pedro ng cash at in-kind donations sa panahon ng Brigada Eskwela. Malaking tulong din ang paglalaan ng karagdagang manpower upang makatulong sa iba't ibang gawaing isinagawa sa paaralan. Nagbigay suporta rin ang pamunuan ng barangay sa mga programa ng paaralan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng libreng hot meals para sa mga ARAL at Tara Basa learners. Dagdag pa rito, malaking tulong din ang pagpapahiram ng mga air cooler fan sa mga pangunahing programa at aktibidad ng paaralan.Nagbigay rin ang barangay ng mga seedlings bilang suporta sa pagsisimula ng Gulayan sa Paaralan. Patuloy din ang kanilang pagsusuplay ng tubig sa mga panahong nagkakaroon ng kakulangan sa water supply, na malaking ginhawa para sa buong komunidad ng paaralan. Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng Bagong Buhay F Integrated School, sa pangunguna ng Punong-g**o na si Gng. Jocelyn San Diego, sa Pamunuan ng Barangay San Pedro sa kanilang patuloy na pag-agapay at walang sawang suporta upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng paaralan para sa kapakinabangan ng lahat ng mag-aaral.
13/06/2026
𝐑𝐞𝐚𝐝𝐲, 𝐒𝐞𝐭, 𝐋𝐞𝐚𝐫𝐧: 𝐁𝐁𝐅𝐈𝐒 𝐋𝐚𝐮𝐧𝐜𝐡𝐞𝐬 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐘𝐞𝐚𝐫 𝟐𝟎𝟐𝟔–𝟐𝟎𝟐𝟕 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐎𝐩𝐥𝐚𝐧 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐤 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚
Bagong Buhay F Integrated School (BBFIS) conducted its Oplan Balik Eskwela (OBE) 2026 Opening Program on June 8, 2026, at the BBFIS Covered Court to welcome learners and prepare them for the opening of classes for School Year 2026–2027.
The orientation was held in both morning and afternoon sessions and was attended by learners from Kindergarten to Grade 10.
The activity aimed to orient students on school policies, programs, services, and expectations while promoting a safe and learner-friendly school environment.
The program started with a flag ceremony, which included the singing of the National Anthem, Bagong Pilipinas Hymn, DepEd hymns, and the recitation of patriotic pledges.
The activity helped foster discipline, patriotism, and unity among the learners. School Head Jocelyn A. San Diego delivered the opening remarks and encouraged students to be responsible, prepared, and actively involved in school activities. This was followed by a BIDA BEAT Zumba exercise that energized the participants. Teachers and non-teaching personnel were introduced to familiarize learners with the school staff. Selected SELG and SSLG officers also presented an intermission number during the program.
One of the highlights of the activity was the orientation on the School Rules and Student Handbook conducted by the Guidance Designates. Learners were informed about school policies, behavioral expectations, safety measures, and their rights and responsibilities as students. The program ended with closing messages from school officials, encouraging learners to strive for academic excellence and become responsible members of the school community.
The successful conduct of Oplan Balik Eskwela 2026 marked the official start of School Year 2026–2027 and reflected BBFIS's commitment to providing a safe, welcoming, and supportive learning environment for all learners.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Telephone
Website
Address
Karunungan Street Area F
San Jose Del Monte
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |
