Kapitan ETAW Caravana

Kapitan ETAW Caravana

Share

Serbisyong ETAW hataw para sa BAGONG TAGAPO!

Photos from Kapitan ETAW Caravana's post 14/06/2026

πŸ’ƒ HATAW SA ZUMBA | Brgy. Tagapo Court
πŸ“… June 14, 2026
πŸ”₯ Libreng Zumba Session with
Solo Parent Association of Brgy. Tagapo

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa!
Ramdam ang lakas ng energy, saya, at pagkakaisa ng ating komunidadβ€”tuloy-tuloy ang hataw!
Special thanks kay Kapitan Edison β€œEtaw” Caravana

at sa Sangguniang Barangay ng Tagapo sa walang sawang suporta sa ating mga programang pangkalusugan.
Para sa mas aktibo, mas masigla, at mas healthy na Tagapoβ€”tuloy lang ang galaw! πŸ‘β€οΈ


Photos from Kapitan ETAW Caravana's post 12/06/2026

πŸš“ Patuloy na Oplan Galugad
πŸ“… June 11, 2026
πŸ“ Tiongco at Celina Homes 5 Subdivision

Patuloy na isinagawa ang Oplan Galugad alinsunod sa DILG MC 029-2026 upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa ating komunidad. Sa tulong ng pagtutulungan ng barangay, kapulisan, at mga mamamayan, mas pinaigting ang pagpapatrolya at pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa para sa isang ligtas at maayos na Barangay Tagapo.

πŸ‘β€οΈ




Photos from Kapitan ETAW Caravana's post 11/06/2026

πŸ’ƒ HATAW SA ZUMBA | JB VILLAGE
πŸ“… June 11, 2026
πŸ”₯ Libreng Zumba Session

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa!
Ramdam ang lakas ng energy, saya, at pagkakaisa ng ating komunidadβ€”tuloy-tuloy ang hataw!
Special thanks kay Kapitan Edison β€œEtaw” Caravana

at sa Sangguniang Barangay ng Tagapo sa walang sawang suporta sa ating mga programang pangkalusugan.
Para sa mas aktibo, mas masigla, at mas healthy na Tagapoβ€”tuloy lang ang galaw! πŸ‘β€οΈ


Photos from Kapitan ETAW Caravana's post 11/06/2026

πŸ“š Tagapo Elementary School Parents' General Assembly
πŸ“… June 11, 2026

Nagkaisa ang mga magulang, g**o, at mga katuwang sa edukasyon sa isinagawang Parents' General Assembly ng Tagapo Elementary School bilang paghahanda sa panibagong taong panuruan.

Patuloy na ipinapakita ng ating pamayanan ang kahalagahan ng pagtutulungan upang masig**o ang dekalidad na edukasyon at mas magandang kinabukasan para sa ating mga kabataan.

❀️ Suportado ni Kapitan Edison "Etaw" Caravana at ng Sangguniang Barangay ng Tagapo ang mga programang naglalayong palakasin ang ugnayan ng paaralan, mga magulang, at komunidad para sa kapakanan ng bawat mag-aaral. πŸ‘


11/06/2026

πŸ‡΅πŸ‡­ Maligayang Araw ng Kalayaan! πŸ‡΅πŸ‡­

Ngayong ika-12 ng Hunyo, buong puso nating ginugunita ang katapangan, sakripisyo, at pagkakaisa ng ating mga bayani na nagbigay daan sa kalayaang ating tinatamasa ngayon.

Nawa’y patuloy nating pahalagahan ang kanilang pamana sa pamamagitan ng pagmamahal sa bayan, pagtutulungan, at tapat na paglilingkod sa ating komunidad.

Mula kay Kapitan Edison β€œETAW” Caravana at ng buong Barangay Tagapo, isang makabuluhan at masayang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa inyong lahat! πŸ‘β€οΈ

Mabuhay ang Pilipinas! πŸ‡΅πŸ‡­β€οΈπŸ’™πŸ’›


Photos from Kapitan ETAW Caravana's post 11/06/2026

βš“πŸŒŠ PAANYAYA SA MGA NAGBALIK NA OFW SEAFARERS! πŸŒŠβš“

May negosyo ka bang nais simulan para sa mas matatag na kinabukasan? Sumali sa LIKHAng Marin Business Plan Competition 2026, isang programa ng Department of Migrant Workers (DMW) na naglalayong tulungan ang mga nagbalik na OFW seafarers na makapagsimula ng sariling negosyo sa pamamagitan ng business planning, mentoring, at entrepreneurship development. Ang programang ito ay bahagi ng reintegration initiatives ng DMW para sa mga OFW na permanenteng nakabalik na sa Pilipinas.

βœ… Bukas para sa mga dokumentadong OFW seafarers
βœ… Nakabalik sa Pilipinas noong o pagkatapos ng Disyembre 30, 2021
βœ… Walang kasalukuyang pagmamay-ari o operasyon ng rehistradong negosyo sa Pilipinas
βœ… Permanenteng naninirahan na sa Pilipinas at hindi na muling nagtrabaho sa ibang bansa mula nang makabalik

πŸ“ Magparehistro dito:
https://sites.google.com/dmw.gov.ph/likha-ofw?usp=sharing

πŸ“… Huling Araw ng Pagsusumite: Hunyo 15, 2026

🀝 Suportado nina Kapitan Edison "Etaw" Caravana at ng Sangguniang Barangay ng Tagapo. πŸ‘β€

Sama-sama nating suportahan ang mga marinong Pilipino sa kanilang paglalakbay mula sa pagiging seafarer tungo sa pagiging matagumpay na negosyante! πŸš’πŸ’Ό


Photos from Kapitan ETAW Caravana's post 10/06/2026

πŸ“£ JB Village HOA Officers Oath Taking
πŸ“… June 10, 2026

Isang mahalagang yugto ang naganap ngayong araw sa pamamagitan ng panunumpa ng mga bagong opisyal ng JB Village Homeowners Association. Ang okasyong ito ay tanda ng kanilang pagtanggap sa tungkuling pangunahan ang kanilang samahan at magsulong ng mga adhikaing makabubuti para sa kanilang komunidad.

Inaasahan na ang kanilang pamumuno ay magiging daan upang higit pang mapatatag ang pagkakaisa ng mga residente, mapanatili ang kaayusan, at maisakatuparan ang mga proyektong magbibigay ng positibong pagbabago sa JB Village at sa buong Barangay Tagapo.

Taos-puso naming binabati ang mga bagong opisyal at hinihiling ang isang matagumpay, tapat, at makabuluhang panunungkulan para sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan.

Mabuhay ang JB Village HOA at ang sama-samang pagkilos para sa mas maunlad na komunidad!


Photos from Kapitan ETAW Caravana's post 10/06/2026

πŸ“£ Amihan Subdivision HOA Officers Oath Taking
πŸ“… June 10, 2026

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong halal na opisyal ng Amihan Subdivision Homeowners Association. Ang seremonyang ito ay nagsisilbing hudyat ng kanilang pagtanggap sa mahalagang tungkulin na mamuno, magsilbi, at maging katuwang sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad.

Nawa’y magsilbi silang huwaran sa pagtataguyod ng kaayusan, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok ng mga residente sa mga programang makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng Amihan Subdivision at ng buong Barangay Tagapo.

Binabati namin ang lahat ng mga bagong opisyal at hinihiling ang kanilang matagumpay at makabuluhang pamumuno para sa kapakanan ng bawat residente.

Congratulations at mabuhay ang Amihan Subdivision HOA!


Photos from Kapitan ETAW Caravana's post 10/06/2026

πŸ“£ Gruenville Subdivision HOA Officers Oath Taking
πŸ“… June 10, 2026

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong halal na opisyal ng Gruenville Subdivision Homeowners Association. Ang seremonyang ito ay sumisimbolo ng kanilang pagtanggap sa responsibilidad na mamuno at magsilbi para sa kapakanan ng kanilang komunidad.

Nawa’y maging katuwang sila sa pagpapanatili ng kaayusan, pagkakaisa, at pagpapatupad ng mga programang makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng Gruenville Subdivision at ng buong Barangay Tagapo.

Binabati namin ang lahat ng mga opisyal at hinihiling ang kanilang matagumpay na pamumuno para sa kapakanan ng bawat residente.


10/06/2026

❀ Masayang Araw, Bagong Tagapo!

Magkakaroon po ng Libreng Anti-Rabies Vaccination para sa mga alagang a*o at pusa na pangungunahan ng Office of the City Veterinarian. 🐢🐱

πŸ“… June 15, 2026
⏰ Alas-8:00 ng Umaga
πŸ“ Don Pablo Subdivision

πŸ“Œ First Come, First Served
πŸ“Œ Stationary Vaccination Only

⚠️ Paalala: Siguraduhing may tali at kontrolado ang inyong mga alaga upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat.
Maraming salamat po sa Office of the City Veterinarian para sa serbisyong hatid sa ating komunidad! πŸ‘β€οΈ


Want your business to be the top-listed Government Service in Santa Rosa?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Barangay Tagapo
Santa Rosa