24/11/2023
2023 Children's Congress and State of the Childrenβs Address
Patuloy ang pakikiisa ng Pamahalaan Bayan ng Silang sa pagdiriwang nv National Children's Month sa pangunguna ni Mayor Kevin Anarna kasama ang kaniyang Sangguniang Bayan members, Hon. ππ«π’π "ππ¨π€π’ππ πππ«ππ’π, Hon. ππ«π’ πππ₯ππ³ππ¨ at ππ¨π§. πππ«π€ ππ§ππ‘π¨π§π² ππ¨π₯πππ¨.
Matagumpay na naidaos ngayong araw ang 2023 Children's Congress na ginanap sa 4th Floor of the New Municipal Building na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan mula sa ating bayan at ilang kawani ng Municipal Social Welfare Development Office at Women and Children Protection Unit o WCPU.
Nagpaabot rin ang ating alkalde ng kanyang mensahe at binigyang diin ang mga programang nakatutok sa pag protekta at pag-unlad ng mga batang SilangueΓ±o.
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga nakilahok sa programang ito!
13/11/2023
ππππππππ ππππππππ πππππ: πππππππ, πππππππππ πππππππππ: ππππππππ πππ πππππ ππ πππ
π π
ππ πππ
Ngayong buwan ng nobyembre ginugunita natin ang buwan ng mga bata na may temang "Healthy, Nourished, sheltered: Ensuring the right of life for all" na pinagunahan ng ating Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na pinamumunuan ni Mr. Medardo Arenasa III, Women and Children Protection Unit (WCPU) na pinamumunuan ni Mrs. Bhingle Villarama. Ang temang ito ay naglalayong bigyang-diin ang karapatan ng mga bata sa malusog na pamumuhay, sapat na nutrisyon, at maayos na tirahan.
Ang pagbibigay halaga sa karapatan at kagalingan ng mga kabataan ay mahalaga para sa kinabukasan ng ating lipunan. Sa pamamagitan ng programa, maipapakita ang pangako ng pamahalaan na itaguyod ang kalusugan, nutrisyon, at maayos na pamumuhay para sa lahat ng mga bata.
Sa pagtutulungan ng pamahalaan, komunidad, at iba't ibang sektor ng lipunan, mas napapalalim ang pag-unlad at proteksyon ng karapatan ng mga kabataan. Umaasa ako na ang ganitong mga programa ay magiging daan para sa mas makabuluhang pagtutulungan upang masiguro ang magandang kinabukasan para sa ating mga kabataan.