Tatak Arcilla

Tatak Arcilla

Share

Everyone has a purpose in life and a unique talent to give to others.

- Kap Arcilla

Photos from Tatak Arcilla's post 24/06/2026

Pinadalo ng ating Punong Barangay na si Michael Arcilla si Kagawad Roi Carillo bilang kinatawan ng ating tanggapan sa isinagawang Reading Nook Program na ginanap sa Pembo Elementary School.

Lubos po tayong nagpapasalamat sa mga g**o, organizers, at sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na programang ito. Ang ganitong mga inisyatibo ay malaking tulong upang higit pang mahubog ang kaalaman at pagmamahal sa pagbabasa ng ating mga kabataan.

Muli, maraming salamat po sa inyong paanyaya at sa patuloy na suporta para sa kapakanan ng mga mag-aaral at ng komunidad.

Photos from Tatak Arcilla's post 24/06/2026

Ngayong araw ay sinimulan na ang pagsasaayos at pagre-renovate ng ating playground na magagamit ng mga mag-aaral ng Day Care Center sa ating barangay.

Ang proyektong ito ay naging posible sa pamamagitan ng kusang-loob na pagtulong ng isang kaibigan ng ating Punong Barangay, Kapitan Michael Arcilla, na nagpaabot ng suporta dahil sa kanyang paghanga at pagtitiwala sa mga makabuluhang programa at mabuting pamamahala na isinusulong ng ating Punong Barangay para sa kapakanan ng komunidad.

Layunin ng proyektong ito na makapagbigay ng mas ligtas, maayos, at masayang lugar na mapaglalaruan at mapagkakakitaan ng mga aral at karanasan ng ating mga kabataan habang sila ay nasa Day Care Center.

Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta at nakikiisa sa mga programang naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng ating mga kabarangay, lalo na ng ating mga kabataan. Sama-sama nating itaguyod ang isang mas maunlad at mas maayos na Barangay Pembo. ๐Ÿ’™๐Ÿก

Photos from Tatak Arcilla's post 24/06/2026

Ngayong araw, personal na bumaba at nakiisa ang ating Punong Barangay, Kapitan Michael Arcilla, sa ating Day Care Center upang makibahagi sa paghahanda kasama ang mga magulang at g**o para sa nalalapit na pagbubukas ng klase ng ating mga batang mag-aaral.

Ang sama-samang pagkilos na ito ay nagpapakita ng malasakit at suporta ng ating pamahalaang barangay sa edukasyon at kapakanan ng ating kabataan. Layunin nitong matiyak na handa, maayos, at ligtas ang kapaligiran ng ating Day Care Center para sa pagpasok ng mga bata.

23/06/2026

Mga Super Tatay, ito na ang araw ninyo! ๐ŸŽ‰

Samahan ang 105.9 TRUE FM sa June 27, 2026, 6AM sa Pembo Brgy. Hall Gymnasium, Brgy. Pembo, Taguig City para sa isang masayang Father's Day celebration kung saan LIBRE ang lahat!
May FREE Throw Challenge, Daddyoke, Zumba, libreng massage, haircut, manicure, pedicure, at TODA stickering! Makakasama rin ang TRUE FM Super Tatays na sina Kuya Poy ng Heart 2 Heart at Rigie Malinao ng Balita Alas Tres.

Tara na at maging bida bilang Super Tatay! Hatid sa inyo ng Lemon Square CheeseCake.

23/06/2026

๐Ÿ“ข๐ŸŽ‰ Hello, Pembozen!

Ang ating masipag na Punong Barangay, Kap. Michael Arcilla, katuwang ang 105.9 FM, ay nag-aanyaya sa lahat ng nanay, tatay, kabataan, at buong pamilya na makiisa sa isang espesyal na programang inihandog para sa ating komunidad!

๐Ÿ’™ Sama-sama nating abangan ang mga kapana-panabik na aktibidad, saya, at mga programang tiyak na magbibigay ng inspirasyon at kasiyahan sa bawat pamilyang Pembozen.

๐Ÿ“ฒ Abangan lamang sa ating Official page ang mga susunod na detalye at anunsyo tungkol sa programang ito.

Tara na, Pembozen! Makiisa, makilahok, at maging bahagi ng isang mas masaya at mas matatag na komunidad! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ





Photos from Tatak Arcilla's post 23/06/2026

Magandang balita para sa ating mga kabarangay!

Ang ating playground na matagal nang hindi nagagamit ay sinisimulan nang linisin, ayusin, at pagandahin upang muli itong maging ligtas at maayos na lugar para sa ating mga kabataan. Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng kabutihang-loob at malasakit ng ating Punong Barangay, kasama ang kanyang kaibigan na nagbigay ng suporta upang maisagawa ang pagpapaganda at pagsasaayos ng nasabing pasilidad.

Layunin ng proyektong ito na maibalik ang sigla ng ating playground bilang isang ligtas at masayang lugar para sa paglalaro, pag-eehersisyo, at pakikisalamuha ng ating mga kabataan. Ang lahat ng pagsisikap na ito ay para sa kapakanan at kinabukasan ng mga batang Pembozen na siyang pangunahing makikinabang sa proyektong ito.

Maraming salamat sa ating Punong Barangay at sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa mga programang naglalayong mapabuti ang ating komunidad. Sama-sama nating pangalagaan ang mga pasilidad na ipinagkakaloob para sa kapakinabangan ng bawat isa. ๐Ÿ’š

23/06/2026

International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026 Celebration

The City of Taguig celebrates IDADAIT 2026 in Barangay Pembo, promoting awareness on the dangers of drug abuse and illegal drug trafficking. This initiative encourages everyone to support a drug-free community through education, prevention, and active participation. Together, let us strengthen our commitment to protect our youth, promote healthy lifestyles, and build a safer, more peaceful society for all.








23/06/2026

Every year on 26 June, the Dangerous Drugs Board (DDB) leads the Philippines in observing the ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ƒ๐š๐ฒ ๐€๐ ๐š๐ข๐ง๐ฌ๐ญ ๐ƒ๐ซ๐ฎ๐  ๐€๐›๐ฎ๐ฌ๐ž ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ฅ๐ฅ๐ข๐œ๐ข๐ญ ๐“๐ซ๐š๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ค๐ข๐ง๐  (๐ˆ๐ƒ๐€๐ƒ๐€๐ˆ๐“), reaffirming the nationโ€™s shared commitment to protecting individuals, families, and communities from the harmful effects of illegal drugs.

This yearโ€™s observance carries the global theme: โ€œ๐–๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐ƒ๐ซ๐ฎ๐  ๐๐ซ๐จ๐›๐ฅ๐ž๐ฆ: ๐๐ž๐ซ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐ž๐ฌ, ๐๐ž๐ฐ ๐‚๐ก๐š๐ฅ๐ฅ๐ž๐ง๐ ๐ž๐ฌ, ๐ˆ๐ง๐ง๐จ๐ฏ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ฌ.โ€

As drug-related threats continue to evolve across communities and digital spaces, the observance highlights the importance of prevention, awareness, compassion, and collective responsibility in safeguarding the well-being of every Filipino, especially the youth.

Through the Philippine Anti-Illegal Drugs Strategy (PADS), the DDB continues to strengthen initiatives centered on prevention, rehabilitation, reintegration, and community participation, recognizing that lasting solutions are built not only through enforcement, but also through education, support, and shared action.

This yearโ€™s IDADAIT observance reminds us that every sector of society has a role to play in promoting healthier, safer, and more informed communities.

The DDB encourages all Filipinos to take part in this yearโ€™s observance by supporting prevention efforts, promoting informed and healthy choices, and helping create environments where young people can grow with hope, opportunity, and protection from the harms of illegal drugs.

Together, let us continue fostering communities rooted in care, responsibility, and solidarity toward a safer and healthier future for all.

23/06/2026

Sa pang apat (4) na Pagkakataon Muli po tayong nakapagtala ng 0 (zero) COA findings para sa ngaun taon. Ito na po ang pang apat na sunod na pagkakataon na ating nakamit ang ganitong resulta.

Patunay ito na ang paggamit ng pondo ng ating Barangay ay maayos, wasto, at alinsunod sa itinakdang mga patakaran at proseso. Isang malaking karangalan at tagumpay ito ng buong pamunuan at kawani ng Barangay. Mabuhay po tayong lahat.

Ang pagkakaroon ng 0 (zero) COA findings ay nangangahulugan na walang nakitang iregularidad, kakulangan, o paglabag ang Commission on Audit (COA) sa paggamit at pamamahala ng pondo ng barangay sa nasabing panahon ng audit.

Ibig sabihin nito na:

Ang lahat ng gastusin at disbursements ay may kumpletong dokumento at wastong liquidation.
Ang mga transaksyon ay sumunod sa umiiral na batas, COA rules, at accounting standards.

Ang pondo ng barangay ay ginamit ayon sa layunin at aprubadong programa at proyekto.

Ang mga opisyal at kawani ay naging responsable, transparent, at maingat sa paghawak ng pondo
Hindi lamang ito simpleng papuri, kundi isang malinaw na indikasyon ng mabuting pamamahala (good governance), integridad, at pananagutan sa taumbayan. Isa rin itong matibay na ebidensya na ang barangay ay mapagkakatiwalaan sa paggamit ng pondo ng gobyerno.

Sa kabuuan, ang 0 COA findings ay isang tagumpay ng buong barangay patunay na kapag may tamang proseso, malinaw na sistema, at sama-samang pagtutulungan, ang pondo ng bayan ay tunay na napapakinabangan ng mamamayan.

Mabuhay po tayong lahat at ipagpatuloy natin ang ganitong pamantayan ng serbisyo at katapatan.
Para sa mas transparent at agresibong barangay pembo.

Photos from Tatak Arcilla's post 22/06/2026

ATM nagsagawa ng pagpupulong at pagpaplano para sa mga nalalapit na programa at aktibidad ng ating barangay, kasama ang ating mga kaibigan mula sa TV5 at iba pang mga katuwang na organisasyon.

Layunin ng pagpupulong na masig**o ang maayos at matagumpay na pagsasagawa ng mga proyektong ihahandog para sa kapakanan at kasiyahan ng ating mga kabarangay.

Abangan lamang po ang mga opisyal na anunsyo at posting sa ating Official Barangay Page para sa kumpletong detalye ng ating mga upcoming events na handog ng ating Punong Barangay, Kapitan Michael Arcilla, kasama ang Sangguniang Barangay at ating mga partners.

Maraming salamat po sa patuloy ninyong suporta at pakikiisa sa mga programa ng ating barangay.

Want your business to be the top-listed Government Service in Taguig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Taguig