Barangay Cembo Page

Barangay Cembo Page

Share

The official page of Barangay Cembo, Taguig City

12/06/2026

Maligayang Araw ng Kalayaan! πŸ‡΅πŸ‡­

Sa paggunita natin ng kalayaan ng ating bansa, nawa’y patuloy nating mahalin, paglingkuran, at pangalagaan ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagkakaisa at malasakit sa kapwa.

Mabuhay ang Pilipinas! πŸ‡΅πŸ‡­


Photos from Child Rights Network (CRN) Philippines's post 11/06/2026

Ano nga ba ang GROOMING, ayon sa Republic Act No. 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act of 2022?



Mag-report!

πŸ“ž MAKABATA Helpline (CWC): 1383
πŸ“ž Commission on Human Rights (CHR): 0936 068 0982
πŸ“ž PNP Aleng Pulis: 0920 907 1717 (Smart); 0966 725 5961 (Globe)
πŸ“ž Actionline Against Human Trafficking: 1343
πŸ“ž DICT / CICC Cybercrime Hotline: 1326

10/06/2026

Problema sa birth certificate? Punta na sa Free Mobile Birth Registration (MBR)

FREE LATE BIRTH REGISTRATION
JUNE 13, 2026 β€’ SATURDAY
8AM to 3 PM
CEMBO BARANGAY HALL

SERVICES OFFERED:
βœ… On-time birth registration
βœ… Late birth registration
βœ… Out-of-town birth registration
βœ… Minor clerical corrections
βœ… Request for PSA documents (eg. Birth Certificate, Marriage Certificate, CENOMAR)
βœ… National ID ( Registration only. No claiming of IDs )

Pumunta nang maaga. Only 300 slots are available for birth registration.
πŸ‘‰ REQUIREMENTS FOR ON-TIME BIRTH REGISTRATION
( Para sa mga sanggol na ipinanganak sa loob ng 30 araw pero wala pang birth certificate )

A. Kung KASAL ang magulang:

1. Certificate of Live Birth form (Makukuha ito sa City Civil Registry)
2. Marriage Contract
3. National ID ng magulang
4. Government-issued ID ng magulang

B. Kung HINDI KASAL ang magulang:

1. Certificate of Live Birth form (Makukuha ito sa City Civil Registry)
2. Affidavit of Admission of Paternity (Makukuha ito sa City Civil Registry)
3. Affidavit to use the Surname of the Father (Makukuha ito sa City Civil Registry)
4. National ID ng magulang
5. Valid ID ng magulang

πŸ‘‰REQUIREMENTS FOR LATE BIRTH REGISTRATION
( Para sa mga ipinanganak ng higit sa 30 araw ang nakalipas pero wala pang birth certificate )

STEP 1: Pumunta sa mga lokasyon ng Mobile Birth Registration o sa opisina ng City Civil Registry sa Taguig City Hall o at kumuha ng Certificate of Live Birth (COLB) form.

STEP 2: Sagutan (typewritten or computerized) ang mga detalyeng hinihingi sa Certificate of Live Birth Form at pirmahan. Sa likuran nito, sagutan
at pirmahan ang Affidavit for Delayed Registration of Birth. Ipa-notaryo ang COLB.

STEP 3: Kumuha ng negative certification mula sa PSA na nagpapatunay na wala pang birth certificate ang aplikante.

STEP 4: Kung KASAL ang magulang kumuha ng Certified True Copy ng Marriage Certificate mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) or Local Civil Registry Office.

Kung HINDI KASAL, sagutan ang Affidavit of Acknowledgement/ Admission of Paternity. (Ito ay matatagpuan sa likuran ng Certificate of Live Birth Form) at ang Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF). Pirmahan at ipa-notaryo.

πŸ‘‰MGA KARAGDAGANG REQUIREMENTS:

1. National ID ng magulang
2. Valid ID ng magulang
3. Dalawa (2) sa mga sumusunod na dokumento bilang patunay sa pangalan ng mga magulang, petsa at kung saan isinilang ang aplikante:
a. Original Baptismal Certificate mula sa parokya
b. Medical Certification or Immunization Card mula sa ospital, health center o doktor
c. Certified True Copy ng Form 137/ School Records (para sa edad 7-17 taon)
d. Certified True Copy ng Voter’s Registration (para sa edad 18 pataas)

πŸ‘‰SINO ANG PUWEDENG MAG-FILE NG BIRTH REGISTRATION?

β€’ Kung KASAL ang magulang, puwede kahit isa sa mga magulang. Puwede rin ang aplikante mismo kung siya ay nasa 18 taong gulang pataas.
β€’ Kung HINDI KASAL, required ang parehong magulang na magpakita sa pag-file.
β€’ Required din na sumama ang anak na ipaparehistro kung ito ay nasa 7- 17 taong gulang.

πŸ‘‰PAANO KUNG WALA ANG TATAY SA BIRTH REGISTRATION?

β€’ Kung KASAL, hindi ito problema. Maaring mag-file ang nanay.
β€’ Kung HINDI KASAL, hindi maaaring wala ang tatay, maliban kung siya ay namatay na, nasa ibang bansa o naglayas at inabondana ang pamilya.
β€’ Sa ganitong pagkakataon, maaaring mag-rehistro ang nanay. Gagamitin sa birth certificate ang apelyido ng nanay.

πŸ‘‰PAANO KUNG WALA ANG NANAY SA BIRTH REGISTRATION?

β€’ Kung KASAL, hindi ito problema. Maaring mag-file ang tatay.
β€’ Kung HINDI KASAL, hindi maaaring wala ang nanay, maliban kung siya ay namatay na, nasa ibang bansa o naglayas at inabondana ang pamilya.
β€’ Sa ganitong pagkakataon, maaaring mag-rehistro ang tatay.
β€’ Puwede rin ang lola o nanay ng nanay ng ipaparehistro. Kailangan lang ng Affidavit of Guardianship.

πŸ‘‰PUWEDE BA SA LATE BIRTH REGISTRATION KAHIT HINDI ISINILANG SA TAGUIG?

Puwede po. Kung hindi isinilang sa Taguig ang ipaparehistro, tutulong ang opisina ng City Civil Registry ng Taguig sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan kung saan isinilang ang magpaparehistro. Ito ang tinatawag na Out-of-Town Registration.

πŸ‘‰MAGKANO ANG BAYAD SA LATE BIRTH REGISTRATION?

β€’ Walang bayad ang mismong pagpaparehistro dahil ito ay libreng serbisyo ng Lungsod Taguig sa mga TaguigeΓ±o.
β€’ Pero may babayaran sa pagkuha ng mga requirements tulad ng notarization, barangay clearance, at negative certification mula sa Phil. Statistics Authority (PSA).

πŸ‘‰PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON:

Makipag-ugnayan sa:
Tanggapan ng Patalaang Sibil o City Civil Registry ng Taguig City.
Ground Flr., City Hall Annex Bldg., Gen Luna St., Tuktukan, Taguig City
Tel. No.: 8628-2808
Email : [email protected]
FB page: City Civil Registry – City of Taguig

Photos from Barangay Cembo Page's post 09/06/2026

Kung may problema po ang inyong birth certificate at wala pang record ang inyong anak o ikaw mismo, amin po kayong iniimbatahan sa SERBISYO CARAVAN: MOBILE BIRTH REGISTRATION.

Available din ang mga sumusunod:

- NATIONAL ID ( application, verification, print of id paper version)

- Request of birth certificate, marriage certificate, death certificate o CENOMAR

Ito ay gaganapin sa Cembo Barangay Hall, mula 8AM-3PM.


Photos from Barangay Cembo Page's post 08/06/2026

Tuloy tuloy po ang schedule ng bakuna para kontra Measles-Rubella.

Para sa ibang katanungan ay makipag ugnayan lamang po sa barangay o magtungo sa ating barangay clinic.

Maraming salamat po

08/06/2026

π—–π—’π—‘π—šπ—₯π—”π—§π—¨π—Ÿπ—”π—§π—œπ—’π—‘π—¦, 𝗝𝗔𝗑 π—Ÿπ—œπ—Ÿπ— π—”π—₯ π—¦π—’π— π—’π——π—œπ—’!
πŸŽ‰πŸ…

We proudly celebrate your outstanding achievement at the 12th TIRAK Taekwondo International Tournament held in Bangkok, Thailand from May 30 to June 1, 2026.

πŸ₯‡ Gold Medalist – Kyorugi
πŸ₯‡ Gold Medalist – Speed Kicking
πŸ₯‰ Bronze Medalist – Poomsae
πŸ₯‰ Bronze Medalist – Virtual Taekwondo

Your hard work, discipline, and determination have brought pride to our community. May your success continue to inspire more young athletes to pursue excellence and never give up on their dreams.

Congratulations, Jan Lilmar! We are so proud of you! πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‘


Photos from Barangay Cembo Page's post 07/06/2026

Maligayang Kaarawan, Kagawad Kalmi Boregas at Kagawad Dudong San Pedro! πŸŽ‰

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas, at tagumpay sa inyong paglilingkod sa ating komunidad. Maraming salamat sa inyong dedikasyon at malasakit sa mga kabarangay.

Hangad namin ang mas marami pang biyaya at masasayang alaala para sa inyong dalawa. God bless and enjoy your special day! πŸŽ‚πŸŽˆ

07/06/2026

Welcome back to school, mga Batang Cembo!

Muli nating buksan ang panibagong taon ng pagkatuto, pagkakaibigan, at tagumpay. Nawa’y maging masaya, ligtas, at makabuluhan ang inyong paglalakbay sa paaralan.

Mag-aral nang mabuti at abutin ang inyong mga pangarap. Good luck at God bless, mga Batang Cembo!


06/06/2026

Maligayang Kaarawan, Punong Barangay Romeo B. Millo! πŸŽ‰

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, lakas, at tagumpay sa inyong paglilingkod sa ating komunidad. Maraming salamat sa inyong dedikasyon at malasakit sa bawat mamamayan.

Hangad namin ang mas marami pang biyaya at masasayang taon para sa inyo. God bless po! πŸŽ‚


Want your business to be the top-listed Government Service in Taguig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Kalayaan Avenue
Taguig
1640