06/02/2026
Ang Energy Dispersive X-ray Spectroscopy (EDX) ay isang teknik na ginagamit upang matukoy ang mga elements sa isang materyal sa pamamagitan ng pagsukat ng X-rays na nailalabas kapag tinamaan ang sample ng high-energy electrons. Karaniwang ginagamit ito kasama ng scanning electron microscope (SEM). Kapaki-pakinabang ito sa pagtukoy at pag-mapa kung paano nakakalat ang mga elements sa isang materyal o sample.
Naglalabas ng X-rays kapag tumama ang high-energy beam sa ibabaw ng sample, at bawat element ay may natatanging enerhiya na maaaring ikumpara sa reference data, karaniwang para sa mga elements na may atomic number na higit sa 10.
Sanggunian: Hajizadeh, Z., Taheri-Ledari, R., & Rasouli Asl, F. (2022). Identification and analytical methods. In A. Maleki (Ed.), Heterogeneous micro and nanoscale composites for the catalysis of organic reactions (pp. 33–51). Elsevier. https://doi.org/10.1016/B978-0-12-824527-9.00001-0
Sanggunian ng mga larawan: JEOL,Ltd.
